1

MARCH 2024

Si God ang Big Boss Ko!

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Isaias 41:10

Dedicated and hardworking concierge si Patrice sa Singapore. Ngunit nakakalungkot na isang katrabahong Pinay ang hindi naniniwala sa ganda ng performance na pinapakita niya. Ayon dito, “Patrice is too good to be true!” This co-worker would spread gossip to put Patrice down kahit na ang totoo, siya itong pamali-mali sa trabaho, maraming absences, at nagnanakaw ng packages ng mga residente. Pero mas kinampihan ng manager nila si Pinay co-worker kaya naman every day, mabigat ang loob ni Patrice sa pagpasok dahil sa pang-iinsultong tinatanggap niya mula sa dalawa.

Sa kabila nito, nakita ng head ng agency ang potential ni Patrice sa pagtatrabaho. Na-promote siya bilang supervisor ng mga concierge. Nalaman din ng head ng agency ang maling mga gawain ni Pinay co-worker hindi lamang kay Patrice, ngunit maging sa trabaho nito mismo kaya ito ang sinabi niya, “We will not renew her contract anymore so she will know who’s the boss.” After hearing this, nakaramdam ng kapayapaan si Patrice dahil alam niya na may sasalo na sa kanya.

Kung ganito ang naramdaman ni Patrice after knowing that her boss got her back, paano pa kaya kung ang Big Boss natin sa langit ang mag-remind sa atin na “Do not fear for I am with you I will strengthen you and help you” (Isaiah 41:10, NIV). Si God na for sure ay mas malakas ang power kaysa sa boss natin sa office ang tutulong sa atin. He will help us in the midst of that impossible situation we are facing right now. Ang mas magandang balita diyan, hindi ito sabi-sabi lang. Totoo at powerful ang Kanyang Salita!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, thank You for reminding me na kasama Kita at tutulungan Mo ako. Buhay Kang Diyos at totoo sa Iyong mga pangako. I submit to You every challenge I’m facing today and trust that You will help me. Amen.

APPLICATION

Swipe left para isulat ang iyong challenges sa Prayer List and believe that God will move mightily because He promised to help you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =