9
MAY 2026
Deserve ng Anak Ko ‘To!
Ang anak mo’y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya’y iyong karangalan.
Mga Kawikaan 29:17
“Sir, bakit naman po hindi kasama ang anak ko sa listahan ng students with honors?” tanong ng iritadong nanay sa adviser. “Maayos naman ang grades niya ngayong semester. Ayan tuloy, depressed at suicidal siya!” Mahinahong ipinaliwanag ng adviser ang pagkukulang ng estudyante. Mababa ang grades niya noong unang semester. Tila tinanggap naman ng nanay ang paliwanag.
But after graduation, the student surprised her adviser when she proudly thanked her parents and posted on social media that she was wearing an unofficial medal despite not being an awardee. Palaisipan kung saan siya kumuha ng lakas ng loob to claim something that she’s not.
Deserve ng anak ko ‘to! Marahil iniisip ng nanay na the best way to pacify her child is to give her a medal kahit ang totoo, hindi naman niya iyon deserve.
Marahil iba’t iba ang perspective natin sa kuwentong ito, ngunit ito ang malaking katanungan: Dapat ba nating i-tolerate ang mga anak natin kahit wala na sa lugar ang kanilang pag-uugali?
Sa kuwento ni Eli sa 1 Samuel 2:22-26 mababasa natin na kahit siya’y lingkod ng Diyos sa Israel, he failed to rebuke and discipline his children. Nakita ng Diyos ang masasamang ginawa nila sa Israel at sinabing, “Bakit ninyo pinagnanasaang maangkin ang mga alay at handog sa akin? Mas iginagalang mo pa yata ang iyong mga anak kaysa sa akin? Bakit mo sila pinababayaang magpasasa sa pinakapiling bahagi ng mga handog para sa akin?”(1 Samuel 2:29)
There are different parenting styles, pero kung hahayaan nating pangunahan tayo ng Panginoon sa pangangalaga sa mga anak natin, susundin natin ang sinabi Niya na disiplinahin sila nang naayon sa Kanyang salita (Proverbs 22:6).
Kalooban ng Diyos na tayo’y magpalaki ng mga mabubuting anak. We have a choice na disiplinahin sila ngayon o pagsisihan natin sa huli ang kahahantungan ng kanilang buhay.
Deserve ng anak mo ang disiplinang naayon sa kalooban ng Diyos!
LET’S PRAY
Lord, thank You for giving me the privilege to be a parent. Help and guide me to lead my children in the way they should go. Amen.
APPLICATION
If you are to leave a lasting legacy with your children, what lessons would you like to teach them? Write them down.
SHARE THIS QUOTE
