10

MAY 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Paula Mae Villanueva-Clapano

Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak

Mga Kawikaan 31:28

Sa corporate setup, may mga company na liability ang tingin sa isang babae kapag naging isang ina. Lalo na ‘yung mga nag-aapply sa work after how many years of being a stayathome mom at ang work experience ay pagiging nanay lang. Ang tanong: Bakit may “lang”?

When a woman becomes a mother, hindi nawawala ang kanyang kakayahan. Ang pagiging ina ay hindi din pagkawala ng identity, kundi pagpapalalim nito. Sa Proverbs 31, hindi sinabi na ang babae ay malakas, marunong, at may takot sa Diyos bago maging nanay — kundi nagiging ganito siya habang ginagampanan niya ang maraming papel, kasama na ang pagiging ina. She may not have the same schedule, but she has the same skills — maybe even sharper. She leads her home, builds character in her children, manages time and resources, and speaks wisdom over her family.

Hindi siya liability. She’s an asset — sa bahay, sa church, sa community.

Hindi madali ang maging nanay. Walang suweldo, walang day off, pero araw-araw may impact. Invisible but invaluable. Lahat ng ginagawa nila, from washing the dishes hanggang sa pagdadasal sa gabi para sa kanilang anak, ay pagsunod sa tawag ng Diyos.

God sees mothers. Their silent sacrifice is not in vain and is not forgotten. Sa Proverbs 31, pinupuri ng kanyang asawa at anak ang babae — dahil deserve niya ito.

Nanay, hindi ka “just a mother.” You are God’s partner in raising the next generation. You are clothed in strength and dignity. And the work you do? It’s holy.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I pray for all the mothers who are struggling now. Will You remind them that they are not forgotten at mahal na mahal Mo sila? Bigyan po Ninyo  sila ng mas marami pang lakas at pang-unawa as they raise up the next generation according to Your wisdom.

APPLICATION

May nanay ka bang kailangang i-remind na hindi siya “just a mother”? Send her a message  today. Sabihin mong mahalaga siya at ang ginagawa niya ay may eternal impact. 

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 5 =