22

MAY 2024

Discrimination

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Edwin D. Arceo

Thank you for joining us today. Let’s continue the second part of our series “When Treated Unfairly” and find encouragement from God’s Word.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Awit 91:1–2

Nakaranas ka na ba na ma-discriminate dahil sa suot mong damit, college na pinagtapusan o kaya ay dahil sa pananalita mo? Masakit maalala, ’di ba? Minsan siguro nasasabi mo pa na napaka-unfair ng mundo. Nade-deny sa iyo ang ilang bagay, benepisyo, o pabor dahil sa discrimination.

Napakainit na balita ng discrimination. Lahat halos ay nakakaranas nito o di kaya ay hindi natin alam, tayo mismo ang nangdi-discriminate. Alam mo ba na sa Kaharian ng Diyos ay walang discrimination? Totoo! Ang sabi sa Awit 91:1–2, “Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.” Ang unang salita ng talatang ito, “Siyang,” ay nangangahulugan na kahit sino ay puwedeng maghangad ng pagkupkop ng Panginoong Diyos. Walang discrimination!

Ang kailangan mo na lamang gawin ay manatili or wala nang isipin pa. Hindi ka na dapat mag-doubt kapag ikaw ay nasa Kanya na. Kapag ikaw ay nanatili or sa English, to dwell, ang ibig sabihin nito ay magrelax ka na. Nasa pangangalaga ka na ni God. Wala nang puwedeng manakit sa iyo dahil Siya ay ang iyong muog or fortress. Tanggap lahat ni God ang sinuman na manatili sa Kaharian Niya. Kinupkop ka na Niya, in short, isa kang tunay na anak na kahit ano ay gagawin ng Ama to keep you safe and protected. 

Sa presensya ni God, hindi importante kung ano ang estado ng buhay mo, mahirap ka man o mayaman, or kung saan ka nag-graduate. Kapag ikaw ay na kay God, pantay-pantay lahat. Walang discrimination.

Samahan n’yo kami uli bukas para sa third and last part ng ating series “When Treated Unfairly”. Remember, pinili at minamahal ka ng ating mabuting Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Diyos Ama na nasa langit at wala Kayong pinipili kung sino ang mamahalin Ninyo at aariin Ninyong Iyo. Hangad ko ang pagkupkop Ninyo sa akin; ariin Ninyo ang aking sarili sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Kung naka-experience ka ng discrimination, isulat mo sa prayer list mo at ipanalangin mo na bigyan ka ni God ng grace to forgive. Kung sa tingin mo naman ay ikaw ang nakapang-discriminate, isulat mo din sa prayer list mo kung kanino mo ito nagawa at humingi ka ng pagkakataon kay God na makahingi ng forgiveness sa taong ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 13 =