17

JULY 2026

Diyos Ka Ba, Jesus?

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Peter Adelberth Ocampo

Ako at ang Ama ay iisa.

Juan 10:30

Trending sa TikTok ang claim ng isang  Muslim: Hindi raw sinabi ni Jesus sa Bible na Siya ay Diyos. Maraming Christians ang nagalit sa comment section at nagsabing fake news ’yun. Pero ang tanong — mali ba talaga siya?

Kung ang ibig niyang sabihin ay wala sa Bible ang eksaktong words na “Ako ang Diyos,” technically, tama siya. Pero kung sinasabi niya na hindi kailanman ipinahayag ni Jesus ang pagka-Diyos Niya, doon siya nagkakamali. Sa kultura ng panahon ni Jesus, may mga paraan ng pagpapahayag na mas malalim kaysa literal na salita. Tingnan natin.

Sinabi ni Jesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Anong reaksyon ng mga Judio? Kumuha sila ng bato para patayin Siya. Bakit? Dahil malinaw sa kanila na Siya’y nagpapakilalang Diyos (Juan 10:33).

Sa Juan 8:58, sinabi rin ni Jesus sa mga Judio, “Bago pa ipanganak si Abraham, Ako’y Ako na.” Ang “Ako’y Ako” o “I AM” ay ang mismong pangalan ng Diyos na ginamit sa Exodo 3:14. Kaya nagalit ulit ang mga tao at tinangkang batuhin Siya.

At pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, si Tomas na dating nagduda ay lumuhod at sumamba kay Jesus, sabay sabi ng, “Panginoon ko at Diyos ko!” (Juan 20:28). Hindi Siya pinigilan ni Jesus at tinanggap ang kanyang papuri. Bakit? Kasi totoo.

Hindi lang sinabi ni Jesus na Siya ay Diyos, pinatunayan Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa: pagpapatawad ng kasalanan (Marcos 2:512), pag-command sa kalikasan (Marcos 4:39-41), at muling pagkabuhay (Juan 2:1922).

Sa panahon ng misinformation, tandaan: hindi kailangang literal ang linya para maging totoo ang claim. Ang mga ebidensya ng Biblia ay sapat para masabi nating “Oo, si Jesus ay tunay na Diyos.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, salamat dahil pinatunayan Mo ang Iyong pagka-Diyos. Palalimin Mo pa ang aming pagkaunawa at pananalig sa Iyo lalo na sa gitna ng mga tanong, pagdududa, at maling aral. Amen.

APPLICATION

Kung may kakilala kang nagdududa sa pagka-Diyos ni Jesus, imbes na makipagtalo online, why not share a verse and have a real conversation? Minsan, ang puso nila ay mas ready na makinig sa Salita ng Diyos kaysa sa comment section.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 10 =