28
JANUARY, 2021
Diyos Na Kanlungan
Share with family and friends
Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal.
Mga Awit 46:1-3
Bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan. Bahagi ang mga ito ng realidad ng pagtira sa Pilipinas. Nasa typhoon belt ang Pilipinas. More than 20 typhoons ang dumadaan sa bansa every year. Kasama rin ang Pilipinas sa “Ring of Fire” sa basin ng Pacific Ocean, kung saan nagaganap ang maraming lindol at pagputok ng bulkan. More than 23 active volcanoes ang matatagpuan sa ating bansa.
Natural disasters ang bagyo, lindol, tsunami, at pagputok ng bulkan, at malaki ang pinsalang dala nila. Nasaksihan natin ito sa Typhoon Yolanda noong 2013 at sa pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991. Marami na ring warning ang inilathala tungkol sa di umano ay darating na lindol na binansagang “The Big One.” Lulubog daw ang buong Maynila, libo-libo ang mamamatay.
Maaaring gawin ng gobyerno ang lahat ng paghahanda para sa natural disasters. Maaaring ilang earthquake drill na ang ginagawa sa maraming barangay sa buong bansa. Pero kapag muling humagupit ang isang super typhoon o kapag natuloy ang “The Big One,” ultimately wala sa kamay ng gobyerno, ng simbahan, ng pamilya, o ninuman ang sarili nating kaligtasan. Ang Diyos lang ang makakapagligtas sa atin.
Take note na hindi sinasabi sa Mga Awit 46 na magbibigay ang Diyos ng kanlungan o magpapadala ng saklolo sa panahon ng disaster. Instead, ang Diyos mismo ang kanlungan. Ang Diyos mismo ang saklolo.
If you truly believe in God, kung sinuko mo na sa Kanya ang buong buhay mo, papatunayan Niya sa iyo na Siya ang iyong lakas at kanlungan. Ipapakita Niya sa iyo na Siya ang iyong saklolo sa kahit na anong problema, gulo, o disaster. Kaya hindi ka dapat matakot kahit magunaw pa ang mundo. Kahit sarili mong kamatayan hindi mo dapat katakutan. Anuman ang mangyari sa iyo, pangako ng Diyos ang buhay na walang-hanggan kasama Siya. In His presence, there is no fear.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Panginoon, Kayo ang aking lakas. Kayo ang aking kanlungan. Kayo ang aking saklolo. Hindi ako matatakot lumindol man o bumagyo. I entrust myself and my family to You. Amen.
APPLICATION
May loved one ka ba na may nararanasang bagyo o lindol sa buhay? Ipag-pray mo siya ngayon. Then, i-share mo sa kanya ang Mga Awit 46:1-3.