29
MAY 2022
Don’t Love the World
Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
1 Juan 2:15–17
Pinakamahal na cellphone, magandang bahay at kotse, mamahaling gamit at marangyang buhay — sino ba sa atin ang may ayaw nito? Kung makukuha natin, why not? Pero ang masama, pwedeng umagaw ang mga ito ng atensyon natin sa Diyos.
Ang focus ngayon ng marami ay pansarili: self-love, do whatever makes you feel happy, freedom of self-expression, do what you love and love what you do. All these things that the world is preaching deplete morals, values, and the fear of God. Unfortunately, this wrong kind of thinking has penetrated even some churches.
Naisip mo ba how much time you spend on your cellphone kada araw? Kumpara sa quiet time mo, saan ka mas nagbababad kapag may oras ka? The world is making us busy even more but the sad thing is nabi-busy tayo sa mga bagay na hindi nagbibigay ng halaga sa ating pamilya, trabaho, community, or sa church.
Alam na alam ng kaaway ang kahinaan ng tao that even Christians are fooled. Ang offer niya mula pa lang sa garden of Eden ay “lust of the flesh, lust of the eyes and the pride of life” (1 John 2:16). He continues to use the same tactic in deceiving us today.
Sabi sa James 4:4, “You adulterous people, don’t you know that friendship with the world means enmity against God? Therefore, anyone who chooses to be a friend of the world becomes an enemy of God.” Galit ang Diyos sa sinumang nakikipagkaibigan sa mundo. Bilang Christian, we should not be comfortable with following the ways of the world.
Ang pagmamahal sa mundo ay naglalayo sa atin at sa Diyos. Dahil ang naghahari sa mundong ito ay ang kaaway. He continues to blind the mind of those who do not know the Lord yet. Why? Para hindi nila makita ang katotohanan kay Jesus who is the image of God (2 Corinthians 4:4). Hindi madaling lumayo sa inooffer ng mundo sa atin pero kung tunay kang nagmamahal sa Diyos and you believe that He lives in you, tutulungan ka Niyang gawin ang tama.
LET’S PRAY
Jesus, my Savior and Redeemer, help me. Tulungan Mo po ako na iwasang mahalin ang kamunduhan. Holy Spirit, may Your leading and conviction lead me to the way of truth. Enable me to be victorious every day of my life.
APPLICATION
Ask God to draw out any wrong thinking from you. Recognize that you had been led astray by the world kahit na alam mong ikaw ay anak Niya. Believe that the Heavenly Father heard your prayer and tutulungan ka Niya na umiwas sa pagmamahal sa mundo.