28
MAY 2022
The Dangers of Laziness
Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.
Mga Kawikaan 18:9
Si Juan Tamad — nakahiga sa ilalim ng puno, nakanganga, hinihintay na bumagsak ang hinog na bayabas para makain niya! Mukhang hindi alam ni Juan that work is a blessing. Hindi ba binigyan ni Lord ng trabaho si Adam to name the creatures and care for the garden?
The Word of God is full of warnings tungkol sa consequences ng pagiging tamad. Kung tamad ka, pwede kang matanggalan ng responsibilidad. May teacher na naka-observe na matatapang ngayon ang team leaders. Kapag may freeloaders sa grupo, tinatanggal na kaagad sila! Mahirap makatrabaho ang taong di mo maasahan, nawawala, o hindi available. Kaya pala sa Bible, mababasa natin, “Kung paanong ang usok ay nakakaluha, ang suka ay nakakangilo, gayon ang tamad na alipin, sa kanilang mga amo” (Mga Kawikaan 10:26).
Dahil sa katamaran, mae-endanger din ang future natin. Kung ang kasipagan at katiyagan ay isasantabi para panay good time na lang, there will come a time na mauubos din ang resources for good time, even for those who inherit great fortunes! Paano na kung sorpresahin tayo ng krisis kagaya na lamang ng pandemic?
And finally, dahil sa katamaran, we might develop serious health conditions. Ang lifestyle mo ba ay tulog-kain-online entertainment-repeat? Studies show na hindi healthy ang ganitong lifestyle. You can gain unwanted weight or you can starve. With a lower immunity, mas madali kang kakapitan ng sakit and you can stagnate mentally and you can also decline morally. Gutom ang papatay sa taong batugan, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay (Proverbs 21:25). Katulad ni Juan Tamad, natuto na rin siyang magsinungaling, at manlinlang ng kanyang kapwa. The Apostle Paul would tell him, “those who are unwilling to work, will not eat” (2 Thessalonians 3:10).
Para maiwasan ang ending na ito, let’s view work as a blessing and avoid being lazy.
LET’S PRAY
Lord, sabi sa Inyong salita work is a blessing. Forgive me for being lazy, making excuses, and procrastinating. Only You can change my heart. Gawin Ninyong masipag ang aking mga kamay, katulad ng sa Inyo and bless the work of my hands. Amen.
APPLICATION
Meron bang inuutos sa iyo na dapat mong gawin pero hindi mo pinapansin? May pinapaalala ba sa iyo ang Panginoon that you need do? Make a realistic plan of action to attend to these tasks. Ask help if you need any. Remind yourself to look for progress and not perfection.