22

JANUARY 2025

Every Gising Is a Blessing

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Ako’y nakakatulog at nagigising, buong gabi’y si Yahweh ang tumitingin.

Awit 3:5

“May mga gabi na di ako makatulog,” sabi ng isang senior citizen sa kanyang pastor. “Maraming bumabagabag sa isip ko. Isa na doon yung malubhang sakit ng anak ko na nasa probinsiya,” dagdag pa niya.

Matiyagang nakikinig ang pastor sa kanyang miyembro. Sa katapusan ng kanilang pag-uusap pabirong sinabi ng pastor, “OK lang po ang walang tulog from time to time. Nangyayari po yan sa maraming senior citizens. Ang mahirap po ay yung walang gising.”

Karaniwan sa atin na pag gising pa lang ay maraming na tayong iniisip ano ang importanteng gagawin sa araw na iyon? Saan kukuha ng pera pang-tuition ng anak? Papaano ba natin malalampasan ang trials sa buhay?

Naitanong ninyo na ba ito sa iyong sarili: “Bakit kaya sa umpisa pa lang ng umaga, problema kaagad ang inaatupag ko?” Why not do the opposite? Bakit hindi natin simulan ang ating araw ng may pasasalamat sa Diyos? After all, every gising is a blessing!

We often take waking up for granted. The mere fact that you were able to sleep the night before and now you are wide awake, that is something to be thankful for. Some people don’t have that luxury. There are people who die in their sleep. Katulad na lamang ng nangyari kamakailan lang sa nanay ng isang pastor.

Ito ang challenge sa ating lahat. Ano kaya kung sa pag gising natin bukas ay magpasalamat kaagad tayo sa Diyos? Para sa isa pang araw na binigay Niya sa atin, sa bagong kalakasan, sa bagong simula, sa blessings na matatanggap natin? Starting our morning this way can really make our day.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Tulungan po Ninyo ako, Panginoon, na maging positive sa aking paggising. Sana ay kaagad kong pupurihin ang Inyong pangalan sa pagmulat ko ng mga mata ko.

APPLICATION

Paggising mo bukas, magpasalamat ka agad sa ating Panginoon para sa isa pang bagong umaga at bagong pag-asa sa iyong buhay.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 4 =