21
JANUARY 2025
Lumayas Ka Na!
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
1 Pedro 5:7
“Lumayas ka na.” (static, zero emotion) yan ang bigkas ng asawa ni Chichi. Imbes na mabigla at matakot, napangiti si Chichi. Nakakapagtaka ba? Teka, teka, rewind muna tayo. Ano kaya ang sitwasyon ng mag-asawa? What was the tone of voice of Chichi’s husband? Pagalit ba – Lumayas ka na (angry tone) o pabiro?– Lumayas ka na (jokingly, taas-kilay)? Seryoso ba – Lumayas ka na(serious, arms crossed) –o may paglalambing Lumayas ka na (malambing, smiling)? Sa sitwasyong ito, Chichi’s husband was encouraging his wife to please get out of the house and take a break from her seemingly 24/7 caregiving duties–– Lumayas ka na (very malambing). He was asking her to do some self-care. Kaya naman madaling nag-alsa-balutan si Chichi, dala-dala ang bag at credit card for her retail therapy. “I’m off to the mall, dear. I’ll be back before 10,” she said, and kissed her hubby good-bye. Chichi was happy, and so was her husband.
Mabaling naman tayo sa inyo, have you been in a similar situation? Ilang oras ka na bang nag-iiscroll sa iyong phone? Have you been staring at your screen, working overtime, trying to finish a job that will still be there tomorrow? Stop muna. Take a break and look around you. Be in the moment, ‘ika nga. Masdan mo ang paligid — that’s right, pause, take a deep breath, and take it all in — the good, the bad, the ugly — and then focus on what’s beautiful. Close your eyes and speak God’s truth into your soul: “Mahal ako ng aking Pangingoon. He has wonderful plans for me and my loved ones. He is in charge.” O, ang sarap ng pakiramdam, di ba? Namnamin natin ang verse natin today: “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” that’s in first Peter chapter 5 verse 7.
LET’S PRAY
Lord, salamat po for caring for us and all our concerns. Thank You, that You want us to take care of ourselves so that we can recharge and have the energy to take care of others. Thank You, Holy Spirit, for driving away the pagod, ang pagkabagot, at ang inis. Tulungan Ninyo po kaming magpahinga. This I pray in Jesus’ name, amen.
APPLICATION
Para sa ating application—Eh ano pa nga ba, take a break, now na! Find the beautiful things in life, marami ‘yan.
SHARE THIS QUOTE
