17
FEBRUARY 2021
Excited Ka ba sa Heaven?
Share with family and friends
Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang mga bunga nito’y iba-iba bawat buwan, at nakakapagpagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.
Pahayag 22:1-2
Marami ang nangangarap na makapunta sa ibang bansa. Nagse-search tayo sa Internet ng #travelhacks at binabasa natin ang online lists tulad ng “Ten Best Countries in Europe.” Iniisip pa natin kung ano ang una natin gagawin, saan tayo kakain, at saan puwedeng kumuha ng Instagram-worthy na photos. Minsan, sumasali pa tayo ng mga contest kung saan puwede tayong manalo ng free round-trip tickets to America. At kung may mag-i-sponsor sa atin papuntang ibang bansa naku, sobrang pasasalamat natin talaga.
May mga tao naman na uwing-uwi na. ‘Yung matagal nang nakatira or nagtratrabaho abroad. Lagi silang nanonood ng Filipino TV shows at movies through cable channels. Sawa na silang makipag-usap sa English, German, o Spanish — mas gusto nilang may nakakausap sa salitang Filipino, Bisaya, o Ilocano. Nami-miss na nila ang sinigang, adobo, halo-halo, at iba pa. Pati init sa Pilipinas nami-miss nila! The Philippines is their home country. Hindi nila nakakalimutan ‘yun. Kaya pag pinayagan sila ng boss nila na magbakasyon, tuwang-tuwa sila.
Ganito ka rin ba ka-excited pag naiisip mo ang langit?
Kung mababasa natin ang description ng Bible tungkol sa langit, masasabi nating ito na ang pinakamagandang lugar in all of time, space, and history. Imagine, may tubig na sinlinaw ng kristal na umaagos mula sa trono ng Diyos, at may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Pero excited ba tayo na makarating doon balang araw? Nagre-research ba tayo sa Bible at binabasa ba natin with excitement ang iba pang pahayag ng Bible tungkol sa heaven? Naiisip ba natin kung ano ang sasabihin natin kay God pag nagkita tayo face-to-face? Ang ating real, final, and eternal home ay ang langit. Nasasabik ka na bang makarating sa langit at makita si Jesus?
Meron na tayong all-expense paid ticket to heaven, thanks to Jesus. Sinabi ni Jesus na sa bahay ng Kanyang Ama ay maraming silid at ipinaghahanda Niya tayo ng matitirhan. “At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako’y babalik at isasama ko kayo upang kayo’y makapiling ko kung saan ako naroroon” (Juan 14:3). Hindi ba dapat mapuno ang puso natin ng pasasalamat at tuwa?
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, maraming salamat sa Inyong sacrifice. Dahil dito, makakasama ko Kayo sa Paradise. Hinding-hindi ko ito malilimutan at grateful po ako, now and for always. Sabik akong makita Kayo balang araw, at makasama magpasawalang-hanggan.
APPLICATION
Basahin nang mabuti ang Juan 14:2-4 at Pahayag 21:4-5. Ano ang ipinapakita sa iyo ng Holy Spirit tungkol sa langit sa mga verse na ito?