2
FEBRUARY 2021
Faith and Friendship
Share with family and friends
Habang nangangaral si Jesus, may dumating na apat na taong may dalang isang paralitiko. Hindi nila mailapit ang paralitiko kay Jesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya at ibinabâ ang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo.”
Marcos 2:3-5
Pagod si Jesus. Ilang araw din Siyang nasa labas, busy sa pangangaral, pagtuturo, at pagpapagaling sa mga tao. Pagkabalik Niya sa bahay sa Capernaum, dagsa pa rin ang mga taong naghihintay sa Kanya. Not one more person could enter through the door because the place was so packed. Habang nangangaral si Jesus, may dumating na limang lalaki: apat sa kanila ang may bitbit sa paralisado nilang kaibigan. Hindi nila sinabi sa isa’t isang, “Bukas na lang kaya? Imposibleng makapasok tayo.” No, imbes na panghinaan ng loob ang magkakaibigan, nag-isip sila ng ibang paraan. They cut a hole through the roof and carefully lowered their friend in front of Jesus. Desperado kasi sila. Bahala na.
Hindi na bago kay Jesus ang ginagawa ng mga tao makita lang Siya. Pero sa pagkakataong ito, higit pa sa maysakit ang nakita Niya. He saw a man in need of healing, his four friends, and their faith. In that crowded room, they must have been a spectacle to behold. Mabuti na lang at hindi nabigo ang magkakaibigan. Hindi sila binigo ni Jesus. Dumating ang paralisadong nakaratay sa higaan, umalis siyang bitbit ito.
Make no mistake about it—this is primarily a story about the power, wisdom, and compassion of Jesus. But don’t miss how it’s also a story of how we—through our love and stubborn persistence—can help change the lives of our friends.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat sa reminder na ito na nakikita Ninyo ang puso ko habang sinasala ang mga motibo ko. Make me the kind of person who will do anything to lead my friends to You.
APPLICATION
Do you have a friend who desperately needs Jesus? Think of ways how you can make the two of them finally meet. Do whatever it takes to make this happen. Yes, even if it means “cutting a hole through the roof.”