15
AUGUST 2024
Fixing the Broken Heart
Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.
Awit 34:18
LOVE — ito ang palaging topic sa kahit anong movie or series na pinapanood lalo na nating mga Pinoy. Kahit na action, horror, or comedy movie pa iyan, kadalasan ay naiin-love ang mga bida sa gitna ng kanilang kuwento. Bakit? Dahil halos lahat dito ay nakaka-relate.
At kung gaano tayo nagiging devoted sa ating kasintahan to the point na kaya nating isuko ang career, pag-aaral, at minsan pa nga sariling kapamilya, para lang makasama ang taong minamahal, ganoon din kalalim ang sakit kapag nakakaranas tayo ng break-up. Kasi, sabi nga nila, walang tunay na nagmamahal ang hindi kayang ibigay ang lahat ng meron siya. Kaya tuloy, kapag naghiwalay na, halos walang natitira.
At sa tuwing nakakaranas tayo nito, nawawalan tayo ng ganang kumain. Hindi rin tayo makatulog sa kakaisip sa ating mga ex. At sa oras ng paggising, ayaw naman nating bumangon para harapin ang isa na namang araw na hindi sila kasama. Para bang lahat na lang ng bagay na ating makita ay nagpapaalala sa kanila. And it seems like our world has lost its color, its hope.
But that is just a lie. God sees our broken heart. He understands whatever pain we are feeling. Higit pa riyan, nangako Siya na He will heal the brokenhearted (Psalm 147:3). Laging mayroong nagmamahal sa atin, si Jesus iyon. Iwanan man tayo ng lahat, hinding hindi tayo mag-iisa dahil kasama natin Siya. Kaya despite how gloomy your world may be right now, there is hope in Jesus.
LET’S PRAY
Lord, I am in pain and so alone right now. Salamat po for Your reminder today na hindi ako nag-iisa dahil nariyan Kayo. Pinanghahawakan ko po ang pangako Ninyo na You heal all the brokenhearted kaya hinahayaan ko pong pagalingin Ninyo ang puso ko ngayon. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Gumupit ng heart shape sa isang papel at isulat ito: “Mahal ako ni Jesus”. Ilagay ito sa likod ng cellphone case mo today para maalala mo kung sino ang laging nagmamahal sa iyo.