10
JUNE 2024
Focus on the Lord
Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang masasamang hilig ng katawan na naghihimagsik laban sa inyong kaluluwa.
1 Pedro 2:11
Sa panahon ngayon, napakahirap na mag-focus sa Lord. Scrolling endlessly sa social media, streaming platforms na hindi maubos-ubos ang magagandang palabas, mga video games na kumakain ng oras mo — wala ka na halos magawa. Worse, pag kailangan mo nang gawin ang nararapat, hati ang isip mo.
Sa umaga, imbis na mag-quiet time ka, una mong nahahawakan ang cellphone mo. Pag may nakita kang notification sa social media mo, nahahatak agad nito ang atensyon mo at before you know it, kailangan mo nang pumasok sa office. Pagdating naman ng weekend, ang nasa isip mo ay mag-binge watch ng favorite mong TV series. Dahil dito, ubos ang focus mo sa para sa mga mahal mo sa buhay, at lalong-lalo na kay God. This is a trap by the enemy. Pagkatapos mong makaligtaan ang time mo with God, you feel guilty, leading you to procrastinate on the very things that you need to do. It becomes a vicious cycle. You need to stop.
Sabi sa Philippians 4:13 (ESV), “I can do all things through him who strengthens me.” Sino ba ang nagbibigay ng lakas sa iyo? Si Jesus, ‘di ba? Humingi ka ng strength sa Kanya to avoid the temptation of spending all your time on social media, streaming platforms, at video games.
According to 1 Peter 5:8 (ESV), “Be sober-minded; be watchful. Your adversary the devil prowls around like a roaring lion, seeking someone to devour.” You need to be vigilant. Umiwas ka na at the first sign of temptation. Be conscious sa pag-iwas and you will be successful.
Lastly, ito ang advice ng Proverbs 16:3 (ESV), “Commit your work to the Lord, and your plans will be established.” Make a plan to stop these habits. Ipagkatiwala mo ito kay God. Ask the Holy Spirit to help you to be disciplined and committed to putting God first.
LET’S PRAY
Lord, there is so much distraction in this world. Let Your Holy Spirit lead me to give You my wholehearted attention. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Write in your prayer list the distractions that trap your attention every day. Pray that God will help you conquer them.