9

JUNE 2024

Sana All Manok

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by PMVClapano

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 11:28

“Raised in a stress-free environment.” Ito ang claim ng isang kilalang poultry producer sa mga produkto nilang frozen chicken. Sikat na meme din ngayon ito kaya naman mapapa-“sana all” na lang tayo. Sana all manok.

Ayon kasi sa research ng Frontiers titled, “Environmental Stress in Chickens and the Potential Effectiveness of Dietary Vitamin Supplementation,” environmental stressors can promote the vulnerability of animals to infections. It’s the same with us humans. Kapag stressed tayo, madalas tayong nagkakasakit o kaya nagmumukhang pasas na. Hindi na rin nagiging maganda ang “byproduct” natin na mga salita, gawa, at pakikitungo sa iba.

Stress is part of our everyday life. Sa pamilya, sa trabaho, sa personal relationships, kahit pati pagco-commute may kasamang stress. Tanong siguro natin: Eh, saan natin masusumpungan ang sinasabing stress-free environment kung wala naman tayong control sa mga sitwasyon natin sa buhay? Puro na lang stress, pati sa bahay na akala nating walang stress, maaapektuhan pa tayo ng pagkalaki-laking bill, o di kaya mga madalas na pagtatalo sa pamilya. Nasaan ang peace?

May good news! Meron tayong masusumpungang stress-free environment sa presensya ni Jesus. Sinabi Niya na tayong mga nabibigatan ay maaaring lumapit sa Kanya at matatagpuan natin ang kapahingahan sa piling Niya (Mateo 11:28-30).

Ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga alalahanin sa buhay sapagkat Siya ay nagmamalasakit sa atin (1 Pedro 5:7). Siguradong ang byproduct natin ay magiging “masarap” at kaaya-aya kung tayo ay may peace sa presence ni Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for reminding me na sa oras na ako ay napupuno ng alalahanin, pwede akong lumapit sa Iyo to lay it all down. Sa dinami-dami ng stress sa mundong ito, nandiyan Ka to listen to me and You are willing to ease my burden. You are truly a loving God. Salamat, Lord.

APPLICATION

Are you having a hard time coping with the pressures of this world? Are you stressed to the point of giving up? Remember, God loves you! Kung kailangan mo ng kausap, you can call 8-737-0-700 or text 0919-060-7567. CBN Asia Prayer Center is here 24/7 to listen to you and pray for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 14 =