19

MARCH 2021

Friendship Forever

by | Devotionals, Missions

Share with family and friends

Narrated by Miriam Quiambao Roberto

Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Juan 15:13

Nasabihan ka na ba ng “FO na tayo”? FO. Friendship Over. Madalas itong biruan sa magbabarkada, lalo na kapag may ginawang nakakatawa o nakakahiya ang isa sa kanila. Kung mas nakakahiya o nakaka-offend, puwede ring FNS. Friendship Never Started.

Sadly, maraming friendships ang totoong natatapos dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Puwedeng mababaw lang ito—nagkapikunan o may hindi sumipot sa usapang lakad—o puwedeng malalim, tulad ng pagba-backstab o paninira sa isang kaibigan. Sa mundo ngayon, mahirap na talagang humanap ng mga kaibigang hindi ka sasaktan o iiwanan. Realidad ito: Sadyang may mga friendship na madaling lumamig (Mga Kawikaan 18:24a).

Kung ganoon, paano tayo mamimili ng mga kaibigan? Una, huwag daw tayong makipagkaibigan sa mga bugnuting tao, kasi baka mahawa tayo sa init ng ulo nila (Mga Kawikaan 22:24-25). Umiwas din tayo sa mga taong puwedeng maging masamang impluwensya. Warning ng Mga Kawikaan 13:20, “Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.” Kapag nagkamali tayo nang nasamahang barkada, baka tayo mapasama, at baka masira ang ating buhay.

Gusto ba natin ng tunay na kaibigan? Si Jesus ang tunay na kaibigan. Sabi ng Juan 15:13, “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” Unang nag-extend ng hand of friendship si Jesus sa atin nang iniunat ang Kanyang mga kamay at ipinako ang mga ito sa krus. Dahil mahal na mahal Niya tayo, willing Siyang mamatay para pagbayaran ang mga kasalanan natin na hindi natin kayang bayaran. At kung tatanggapin natin ang friendship Niya, hindi FO ang mararanasan natin with Him, kundi FF. Friendship Forever.

Bisitahin ang Prayer Groups at mag-send ng invitation sa mga kaibigan at mahal mo sa buhay na gusto mong maging bahagi ng iyong Prayer Groups. I-encourage at ipanalangin natin ang isa’t isa!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, isa Kayong tapat at tunay na kaibigan. Pinatunayan Ninyo ito nang ialay Ninyo ang buhay Ninyo para sa amin. Thank You dahil panghabambuhay ang friendship na ino-offer Ninyo. Tulungan Ninyo akong maging mabuting kaibigan sa ibang tao at maipadama rin sa kanila ang pag-ibig Ninyo. Amen.

APPLICATION

Isipin mo: Kung si Jesus ay kaibigang nakakasama mo ngayon, ano-anong mga bagay ang sasabihin mo sa Kanya at gagawin ninyong magkasama?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 1 =