27

APRIL 2021

From Bitter to Better

by | 202104, Devotionals, God's Plan

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

Sinabi ng kababaihan kay Naomi, Purihin si Yahweh! Binigyan ka niya sa araw na ito ng isang apo na kakalinga sa iyo. Maging tanyag nawa sa Israel ang bata! Maghatid nawa siya ng kaaliwan sa puso mo at mag-alaga sa iyong pagtanda. Ang mapagmahal mong manugang, na nagsilang sa bata, ay higit kaysa pitong anak na lalaki.”

Ruth 4:14-15

Pinagsakluban ng langit at lupa. Marahil ganyan ang naging pakiramdam ni Naomi. Nangibang-bayan ang kanyang pamilya sa Moab, ngunit habang naroon ay namatay ang kanyang asawang si Elimelec. Nakapag-asawa man ang kanyang dalawang anak na lalaki ng mga Moabita ay namatay naman silang pareho nang walang anak. Mistulang talunan ang pakiramdam niya nang bumalik siya sa Bethlehem kasama ang kanyang manugang na si Ruth. Kaya naman nasambit niyang, “Ako’y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos” (Ruth 1:20).

Pero hindi pinabayaan ng Diyos si Naomi sa pamamagitan ng manugang niyang si Ruth. Pinili ni Ruth na sumama sa bayan ni Naomi (Ruth 1:16-17). Nagtrabaho siya sa bukid para sa kanilang dalawa (Ruth 2:1-3); at sumunod siya sa bilin ni Naomi upang makapag-asawa itong muli ng kinsman redeemer (Ruth 3:1-5). Hindi nagtagal, napangasawa nga ni Ruth si Boaz at pinagpala sila ng anak na lalaki na si Obed (Ruth 4:13-14).

Nagkatotoo ang panalangin ng mga kababaihan kay Naomi na maging tanyag ang kanyang apo at magbigay ito ng kaaliwan sa kanyang pagtanda. Totoo din na ang manugang niyang si Ruth ay malaki ang naitulong sa kanya.  Ang anak nina Ruth at Boaz na si Obed ay ama ni Jesse na tatay ni Haring David (Ruth 4:17). At sa lipi ni Haring David nagmula si Jesus Christ, ang Messiah (Mateo 1:5-17).

Minsan, dahil sa mga pagsubok sa buhay, pakiramdam natin ay kinalimutan na tayo ng Diyos. Ngunit tulad ng kuwento ni Naomi, hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Hindi man natin makita sa ngayon ang katuparan ng Kanyang pangako o ang kahihinatnan ng pagsubok na pinagdadaanan natin, makakaasa tayong kasama natin ang Diyos. At kung tayo ay patuloy na magtitiwala at susunod sa Salita Niya, tunay ngang pagpapala na higit pa sa kayang ibigay ng mundong ito ang ating makakamtan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat na tapat Kayo. Hindi Ninyo kami iniiwan sa gitna ng pagsubok. Buksan Ninyo ang aming mga mata nang makita namin ang Inyong mapagpalang kamay. Tulungan Ninyo kaming magtiwala na Kayoy mabuti at nagmamahal sa amin kahit sa gitna ng unos. Sa Ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Sa halip na isipin lagi ang iyong ipinagdadalamhati at hinaing sa buhay, maghanap sa Bible ng mga pangako ng Diyos. Manalig sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Huwag maging bitter, kundi isipin mo that with Jesus, life can get better.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 4 =