1
JULY 2026
Karamay sa Kalungkutan
Broken arm. Broken glass. Broken promises. Kahit na anong bagay na nabasag, may dalang sakit at panghihinayang. Paano ba gagaling at mabubuo ang isang broken heart? Sana ay magbigay sa inyo ng pag-asa at kaaliwan ang ating bagong series na “Healer of Broken Hearts.”
Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.” Nilapitan niya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay at tumigil naman ang mga may pasan nito. Sinabi niya, “Binata, makinig ka sa akin, bumangon ka!” Naupo ang binata at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.
Lucas 7:13–15
Sinadya kaya Niyang pumunta sa bayan ng Nain nang araw na iyon? Alam kaya Niya na sa ganoong oras, makakasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak ng biyuda? Malamang. Kahit kasi nagkatawang-tao Siya, Diyos pa rin si Jesus na nakakakita ng lahat (John 1:48; Matthew 9:4). Nakita na Niya marahil ang mga namumugtong mata ng biyuda, ang nagdurugo nitong puso, ang nanghihina niyang tuhod. At malamang, nabasa rin ni Jesus ang nasa isip nito. Paano na ako ngayon? Paano na ako mabubuhay?
Nang mga panahong iyon, napakahirap maging isang widow — karaniwan, wala silang hanapbuhay at limitado ang kanilang karapatang legal. Kaya malaking tulong sa buhay nila ang magkaroon ng anak na lalaki. Pero kung wala na ang maaasahang anak, paano na? Naunawaan ng mga nakiramay ang dalamhating nagpapabigat sa puso ng widow. Ngunit may isang lubos na nakaramdam ng kanyang kalungkutan, nakabasa ng gumugulo sa kanyang isip, nahabag, at gumawa ng paraan para mapawi ang kanyang pagdadalamhati. Dahil si Jesus ay Panginoon na mahabagin at makapangyarihan, ginawa Niya ang bagay na Siya lang ang tanging makakagawa — ang buhaying muli ang bangkay ng anak na lalaki.
Are you brokenhearted dahil pumanaw na ang iyong minamahal? Alam ni Jesus ang pinagdadaanan mo. Siya ang Panginoon na karamay natin, nahahabag sa atin, at umaaliw sa atin. Madurog man ang ating puso, buong pagmamahal Niya itong pagagalingin at bubuuin.
Bukas, abangan ninyo ang continuation ng ating series na “Healer of Broken Hearts.” May you experience God’s grace, comfort, and healing today!
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, sa Iyong palad ko inilalagak ang puso kong nagdadalamhati. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na makapag-move on at patuloy na mabuhay kasama Ka. Ikaw ang aking pag-asa.
APPLICATION
Kung naiiyak ka, OK lang na umiyak. Pagkatapos, ipaalala mo sa sarili mo ang sabi ng Psalm 147:3 (NLV): “He heals those who have a broken heart. He heals their sorrows.”
SHARE THIS QUOTE
