23

MARCH 2022

From Survival to Revival

by | 202203, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Thelma Alngog

Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.

Mga Gawa 2:39

Hagar had a hard life. A servant of Abraham at Sarah, she had to sleep with Abraham because the couple thought it was the solution to their childlessness. Nang mabuntis siya, it created problems for her. Nakaranas si Hagar ng mala-survival mode na buhay dahil pinagmalupitan siya ni Sarah. Sa pagtakas ni Hagar ay sinalubong at tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai [Sarah], saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Ang sagot niya, ”Tumakas po ako sa aking panginoon.” Pinabalik siya at sinabing magpailalim sa mga amo sapagkat ang mga anak niya ay pararamihin ng Diyos (Genesis 16:7–9). Nasabi ni Hagar sa kanyang sarili, “Nakita ko rito ang nakakakita sa akin.” Kaya’t tinawag niya si Yahweh ng ganito, “Ikaw ang Diyos na nakakikita” (Genesis 16:13–14). God saw a single mother/servant who was hurt by the family she served. Indeed, there is a God who sees!

Noong bagyong Ulysses ay may mag-anak na pinalayas sa apartment pagkatapos mawalan ng trabaho ang ama at hindi na sila makapagbayad ng renta. Sa kasagsagan ng bagyo ay napilitan silang umalis. Buntis noon ang ina kaya’t sa kalagitnaan ng lakas ng ulan at rumaragasang baha ay isinugod nila ito sa hospital. Sadly, hindi na umabot sa hospital ang bata sa sinapupunan nito at ito ay namatay. God touched the heart of their fellow church member at sila ay binigyan ng libreng pabahay. Walang sawang pasasalamat sa Diyos ang naging tugon ng buong pamilya. Sama-sama silang naglilingkod ngayon sa Panginoon at naging bahagi sila ng Revival Ministry sa kanilang church.

Do you think that nobody’s there for you? Ang nangyari sa buhay ni Hagar at ng mag-anak — who went from survival to revival — ay matibay na patotoo na nakikita ng Diyos ang ating mga paghihirap. He is the God who sees you while you’re in the wilderness. He can take you from survival to revival.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, I surrender my life to You. Tulungan Ninyo akong makasurvive sa hirap at i-revive Ninyo po ako. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Open your heart and pray in the power of the Holy Spirit then allow Him to revive you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 11 =