5

DECEMBER 2022

Get Up When You Fall

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Timmy B. Yee

Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya.

Mga Hebreo 12:1–2

Kelan ka huling nadapa? Kelan mo huling naramdaman ang pagkatalo? Meron bang pagkakataon sa iyong buhay na nasabi mo sa sarili mong, “I’m a failure!”?

Failures can make or break a person, regardless of who he or she is. Sabi nga ng isang kasabihan, “Nasa huli lagi ang pagsisisi.” But you know what? You don’t have to be too hard on yourself. Fight against the urge na sisihin nang husto ang sarili mo. Matuto tayo sa ating mga pagkakamali at tumayong muli.

We should learn to get up whenever we fall dahil siguradong hindi ito mangyayari nang isang beses lamang. Madadapa at madadapa tayo nang paulitulit sa ating buhay (pero sana naman ay hindi paulitulit na pagkakamali sa iisang bagay dahil ibig sabihin nito, hindi tayo natuto). Ang importante, tumayo tayo at humingi ng tawad sa Diyos if we have sinned.

Ang buhay ay parang pagtakbo sa isang mahaba at mahirap na marathon. Kailangan ng lakas at tiyaga para maka-survive at makaabot sa finish line. Para huwag mawalan ng pag-asa, isipin mo kung saan ka papunta. Fix your eyes on Jesus Christ, the author and perfecter of our faith. Remember that joy can still be found in the midst of the struggles. We can find it in our relationship with Jesus.

Madapa ka man nang ilang beses, tumayo ka lang ulit. You can trust Jesus to pick you up from where you fell. You don’t have to run alone. 

Dear Jesus, pagod na ako sa pagkakadapa. Tulungan Mo po ako na tumayong muli. Kailangan Kita sa aking buhay. I confess all my sins to You. Please teach me how I can overcome all my weaknesses. Salamat po, Panginoong Jesus. Amen.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, pagod na ako sa pagkakadapa. Tulungan Mo po ako na tumayong muli. Kailangan Kita sa aking buhay. I confess all my sins to You. Please teach me how I can overcome all my weaknesses. Salamat po, Panginoong Jesus. Amen.

APPLICATION

Kung ikaw ay nagkamali, itanong mo sa sarili kung bakit ito nangyayari. Is there a particular sin that continually trips you, causing you to fall? Isuko at ihingi mo ito ng tawad sa Diyos. Find an accountability partner who can pray for you and help you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 15 =