26
APRIL 2023
Gets Ka ni God
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.
Mga Taga-Roma 8:26
Dati, gamit na gamit ang mga acronym na KJ for “killjoy,” KSP for “kulang sa pansin,” at TL for “true love.” A few years ago, it was GGSS for “gandang-ganda sa sarili” at IKR for “I know, right?” Kung alam mo ang IDK, FR FR, at NGL, then that means hindi ka naman “lost” sa lingo ng GenZ. You know that they mean “I don’t know,” “for real, for real,” and “not gonna lie.”
Hindi naman talaga nawawala sa uso ang tendency natin na i-short cut ang words and phrases. Over the years, nagpapalit lang ng generation at napapalitan lang ang mga shino-short cut na terms. But the human penchant for doing so is constant. Mas madali nga naman sabihin, isulat, at i-type kung naka-acronym. ‘Yun nga lang, hindi lahat nakakaintindi ng gusto nating sabihin.
Pati nga sa pagdarasal. Minsan sa dami ng gusto nating sabihin kay God, we can’t find the right words to say. Or we don’t know how to begin, or sometimes we can’t muster the courage to say something dala ng shame and guilt. And there are also instances na sa sobrang bigat ng ating dinadala, buntong-hininga o iyak na lang ang lumalabas sa ating mga labi. Nasho-short cut ang prayers dahil sa heaviness of our hearts.
Buti na lang, naka-short cut man o hindi, full sentences man o puro iyak lang ang kaya nating ilabas sa panalangin, nauunawaan pa rin tayo ni Jesus. In fact, wala pa tayong sinasabi, alam na alam na Niya ang nasa loob natin. Hindi rin uso kay God ang generation gap; gets ka Niya anuman ang iyong edad.
LET’S PRAY
Dear God, it amazes me that You know my deepest thoughts. Even before I say them, You are already aware. Hindi na ako maghe-hesitate na lumapit at tumawag sa Inyo kailanman.
APPLICATION
May mabigat ka bang pinagdadaanan? Nahihirapan ka bang magdasal? Don’t worry, God understands. Huwag mong hayaang maging hadlang ang problema para makalapit ka sa Kanya. Start praying now.