25

APRIL 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Aliya L. Parayno

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay.

Awit 98:1

 Ano ang LSS o “last song syndrome” mo ngayon? May narinig ka na bang campaign jingle tapos buong araw nang iyon ang tugtuging paulit-ulit na umaandar sa utak mo? Kahit nga hindi ka supporter ng kandidatong iyon, napapakanta ka na tuloy di ba? Siguradong marami ring magulang ang makaka-relate na at some point, naging LSS na rin nila ang theme song ng cartoons na pinapanood ng kanilang mga anak. Anong taon nga ba iyon nang lahat yata ng bata ay kumakanta ng “Let it Go” mula sa computer-animated Disney movie na Frozen?

Experiencing LSS is completely normal. It is a phenomenon wherein we find ourselves humming a song we’ve recently heard. Whether we like it or not, para bang naka-loop na ang melody at lyrics nito sa utak natin.

But just imagine how beautiful it would be kung ang kabutihan ng Panginoon ang paulit-ulit nating naririnig at naaalala! Napakasarap sa pakiramdam at maging sa pag-iisip kung Word of God na nakapaloob sa praise and worship songs ang content ng LSS natin. Sa halip na nursery rhymes o kaya’y lyrics patungkol sa track record at mga pangako ng kandidato, ang mga pangako ni Jesus ang kinakanta natin.

Pero hindi mangyayari ito kung wala tayong exposure sa Word of God at sa Christian music. Napakapalad nga natin dahil hindi na mahirap maka-access ng Christian songs sa panahong ito. A few clicks sa smartphone o computers, may YouTube at Spotify kung saan marami tayong mapagpipiliang Scripture-based songs. Mae-encourage na tayo ng mga pangako Niya, mare-remind pa tayo ng mga ginawa ni Lord na kahanga-hangang tunay!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, punuin Ninyo ang aming buhay ng musikang patungkol sa Inyo. May the meditation of our hearts, minds, and what we hear be about Your power, victory, and faithfulness.

APPLICATION

What is your favorite Christian song? Awitin mo ito nang paulit-ulit at isapuso. Siguradong mangungusap ang Panginoon. Be sensitive to what He wants to teach you today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 7 =