1

OCTOBER 2024

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Prexy Calvario

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma’y hindi siya nagkasala.  

Mga Hebreo 4:15

Have you ever felt out of place? Iyon bang pakiramdam na walang nakakaintindi sa iyo? Pagod ka nang mag-explain kasi kahit anong paliwanag ang gawin mo ay hindi ka naman nila gets. Feeling mo ay hindi naman sila nakaka-relate sa pinagdadaanan mo. May kilala akong siguradong gets ka kahit ano pa ang pinagdadaanan mo. ‘Yan ay si Jesus. 

Marahil ay kilala mo na si Jesus Christ bilang tagapagligtas. Namatay Siya sa krus upang tubusin tayo sa penalty of sins na kamatayan. Or kilala mo Siya bilang Panginoon (John 20:28; Titus 2:13) at kasama ng Diyos Ama at Holy Spirit ay lumikha sa ating lahat (Genesis 1:1, Colossians 1:16). Alam mo bang nagkatawang-tao si Jesus noong nandito pa Siya sa mundo? Jesus is 100% God and 100% man (Romans 1:24). Kaya naman pagdating sa pinagdadaanan mo, gets ka ni Jesus.

Jesus is very much familiar with pain, suffering, and rejection of man (Isaiah 53:3). Umiyak din Siya para sa kaibigan Niyang is Lazarus kasama ng pamilya nito (John 11:3335). Mismong sa bayan Niya ay rejected din Siya (Mark 6:1-6). He wept for His people and their future (Luke 19:4144). He was tempted by the devil (Luke 4:2). And He also asked His Father if it’s possible to remove the cup of suffering yet still submitted to His Father’s will (Luke 22:42). Kaya anuman ang pinagdadaanan mo o kahinaan mo, gets ka ni Jesus. Lumapit ka kay Jesus. Huwag ka nang mahiya! He’s inviting you to come to Him “so that you may receive mercy and find grace to help you in our time of need” (Hebrews 4:16).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, lumalapit ako sa Iyo ngayon upang itaas sa Iyo ang aking mga nararamdaman at suliranin. By faith ay tinatanggap ko ang Inyong mercy at grace na mapagtagumpayan ko ito.

APPLICATION

Not sure how to pray? Sabihin mo lang kay Lord ang nasa puso mo ngayon. Maiintindihan ka Niya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 4 =