11

JANUARY 2023

Give Me Your Burdens

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Peter Kairuz & Written by Beng Alba-Jones

Pagod ka na rin ba at naghahanap ng kapahingahan? Well, good news – sa araw na ito we are going to start a new series called “Finding Rest and Comfort in the Lord”. May today’s devo enlighten and give you rest as you focus on Jesus.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.”

Mateo 11:28–30

The Jews consider themselves as God’s nation. Kadugtong ng pagiging Judio nila ang pagsunod sa napakaraming utos mula pa sa panahon ni Moses. Jews are expected to follow 613 commandments. Kasama dito ang positive commandments o ang mga dapat gawin, at ang negative commandments o ang mga dapat iwasan.  

Imagine this heavy burden they carried all their lives! Bawat segundo, maingat nilang sinusunod ang Kautusan. When Jesus came, everything changed. Sinabi ni apostle John tungkol dito, “For the Law was given through Moses; grace and truth were realized through Jesus Christ” (John 1:17, NASB). Matthew, in today’s passage, quotes Jesus’ invitation to help. Jesus is saying, “Magpahinga na kayo mula sa bigat ng dala-dala ninyo. You can find rest in Me.”

Jesus is offering not the burden of following the 613 commandments but a personal relationship with God through Him. Dahil dumating na Siya we are not under Law anymore but under God’s grace. Nangibabaw ang kabutihan ng Diyos at pinapalapit Niya tayo sa Kanya.

Are you crushed by the weight of guilt and shame? Hirap na hirap ka na bang abutin ang standards ng religion? It’s time to lay your burdens down and rest in Jesus. It’s the reason why He came.

Tune in tomorrow para sa pagpapatuloy ng ating series na “Finding Rest and Comfort in the Lord”.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, pagod na po ako sa bigat ng dinadala ko. All my life I have been trying to follow all the rules to be considered good para lang tanggapin Mo ako. But now I have realized na hindi ko na kailangang gawin ito. I accept Your invitation and ask that You come into my heart. In Your name, Amen.

APPLICATION

Do you have questions about asking Jesus into your heart? Tap the chat box to be connected with your friends at CBN Asia. If you have Christian family members or friends, you can also reach out to them so they can pray for you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 2 =