28
JUNE 2026
God, Are You There?
“Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”
Josue 1:9
Hindi mapakali si Stella kaya nag-decide siyang maglakad. Ang dami niyang iniisip. Nalulungkot siya dahil hindi siya nauunawaan ng kanyang asawa, making her feel lonely. Nami-miss niya rin ang mga lambing ng kanyang mga anak. Nagsilakihan na at may sarili nang mga trabaho kaya madalang na niyang makasama. Marami rin siyang prayers na ’di pa nasasagot. Feeling unheard and unseen, napatanong siya, “God, are You there?”
Mainit na ang sikat ng araw. Buti na lang at may lilim na handog ang mga puno. Pinili ni Stella na maglakad sa may lilim. Lost in her thoughts, nasorpresa siya nang may nakasalubong siyang isang toddler na bumati sa kanya with a sing-song voice, “Hi there!” Stella smiled at sumagot ng, “Well, hello!” After this quick encounter, gumaan ang pakiramdam ni Stella. Even her steps seemed lighter. Napahinto siya sa ilalim ng isang puno at ’di mapigilang magpasalamat. “Salamat, Lord,” bulong ni Stella, then came a soft and gentle breeze na tila isang ’di inaasahan, ngunit napapanahong yakap ng langit.
Stella realized na sinagot ni Lord ang kanyang tanong. Mula sa lilim ng mga puno na nagbigay ginhawa at proteksyon sa kanyang balat, sa masayang pagbati ng isang bata na pumansin sa kanya, hanggang sa banayad na simoy ng hangin, Stella knew, without a doubt, that God was there.
There are times we feel unseen and unheard. Huwag kang ma-discourage. The Lord who made our eyes and ears, misses nothing. He hears you and sees you. Saan ka man naroroon sa iyong journey, the Lord is there, always available to listen, understand, and extend help and hope.
LET’S PRAY
Father, thank You, that there is never a time that I am without you. One of Your names is El Shammah which means “the Lord is there.” Salamat sa comfort, peace, at assurance of help na handog ng Iyong Presence. Amen.
APPLICATION
Read Genesis 16:8–15. Ano ang nararamdaman ni Hagar? Who gave her hope? Ano ang pangalan na ibinigay niya sa Panginoon? In your next prayer time, gamitin ang pangalang ito sa iyong panalangin.
SHARE THIS QUOTE
