8

NOVEMBER 2026

God Cares About the Details

by | 202611, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Jerryca Dolon

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

1 Pedro 5:7

Naalala mo ba ‘yung time na sobrang liit lang naman ng problema mo, pero para sa iyo, sobrang bigat nito? Tulad ng hindi mo mahanap ang susi bago pumasok sa office, o nasira ang zipper ng bag mo habang papunta ka sa meeting. Para sa iba, these are small matters, but it could be so stressful at malaking abala para sa iyo. Minsan nga, naiisip mong, “Bakit ko pa ito ipagpe-pray? Maliit na bagay lang naman ‘to.” 

In 2 Kings 6:1–7, makikita natin na mahalaga kay God kahit ang mga tila maliliit na bagay. Habang tumutulong si Elisha sa mga propeta na magputol ng kahoy sa tabi ng Jordan River, isa sa kanila ang nawalan ng axe head. At ang malala pa ay hiniram niya lang ito! Nag-panic agad ang lalaki kaya’t humingi siya ng tulong kay Elisha. Pumutol naman si Elisha ng patpat, inihulog ito sa tubig, at himala, lumutang ang bakal! Through Elisha’s help, naresolba ang problema at naibalik ang ulo ng palakol sa propeta.

Simpleng kuwento, pero malalim ang mensahe nito: There is no detail in our lives that is too small for God to see. Kung nagawa Niyang palutangin ang axe head para tulungan ang isang tao, kaya rin Niyang ayusin ang mga detalye ng buhay mo — maging ito man ay problema sa trabaho, sa bahay, o sa puso mo.

Minsan iniisip natin na busy si God sa mga mas importante at mas malalaking problema ng mundo kaya baka hindi na Niya mapapansinin ang maliit na problema natin. Pero ang totoo, He deeply cares for us and concerned about every area of our lives — mula sa pinakamalaking pagsubok hanggang sa pinakamaliit na alalahanin. Kaya sa tuwing may concern ka, dalhin mo ito agad sa Kanya, and you can be sure that He will help you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat dahil wala pong detalye sa buhay ko na hindi Ninyo pinapansin. Tulungan po Ninyo akong magtiwala na kahit sa maliliit na bagay, Kayo ay kumikilos. Turuan po Ninyo akong lumapit sa Inyo sa lahat ng oras. Amen.

APPLICATION

Ngayong linggo, isulat sa isang notebook ang mga maliliit na concerns mo at ipag-pray ito. Tingnan kung paano kikilos si God sa mga detalye na iyon.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 8 =