5
NOVEMBER 2023
God of Justice, Part 3
God is just, and He wants us to be just and merciful as well. Let’s listen to today’s devotion.
“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ kailangang patawarin mo siya.”
Lucas 17:3-4
May magkapitbahay na nagkainisan dahil sa videoke. “Okay lang naman kung once a year lang kayo mag-videoke hanggang 3 a.m. kung may special occasion talaga. Pero ‘yung gabi-gabi ganyan? Hindi naman tama ‘yun!” Common ang ganitong klaseng away sa mga magkapitbahay at usually, hindi na ito umaabot sa korte. Madalas nire-report ito sa barangay captain, and he or she encourages warring neighbors to talk to each other and come to an agreement in order to restore the peace on their street. Ito ay isang example ng issue na ina-address ng “Katarungang Pambarangay,” isang system that makes use of restorative justice.
Sa criminal justice system, ang restorative justice ay isang approach where the focus is on the rehabilitation ng nagkasala. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo ng nagkasala sa biktima, at sa kanilang komunidad. Maraming examples nito sa iba’t ibang bansa, at madalas ito ang approach pag dating sa mga menor de edad na nagkasala. A lot of studies show na this approach produces many positive results hindi lang sa nagkasala, kung hindi sa mga biktima: Nabawasan ang takot ng mga tao sa nagkasala; nabawasan ang galit ng mga biktima sa nagkasala; nabawasan ang pagkabalisa ng mga biktima, atbp.
We need to discern where and when restoration can be done. Kapag hindi willing makipag-ayos ang nagkasala, at hindi safe ang mga biktima at maaari silang lalong masaktan o mamatay, hindi natin ito magagawa. But there are times when God calls us to this type of justice, which emphasizes compassion toward those who have done us wrong and the restoration of relationships. God calls us to bless those who persecute us (Luke 6:28), forgive those who sin against us (Matthew 6:14), and give each other not one, not two, but multiple chances whenever there is repentance and a chance at restoration (Luke 17:4).
Thank you for joining us in our series “God is a God of Justice.” May we be God’s instruments, and recipients, of God’s justice.
LET’S PRAY
Tunay nga po na Kayo ay mahabagin at makatarungan, O Diyos. Help me to walk in both mercy and justice, for Your glory.
APPLICATION
Has someone done something wrong to you or caused you offense recently? Itaas mo sa Panginoon ang situation na ito. Ask and pray to the Lord for His guidance and wisdom, especially if He is leading you toward restoration with the person or people who have sinned against you.