6

NOVEMBER 2023

Sisters From Another Mother

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Abi Lam-Parayno

Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.

Juan 15:15

Do you have sisters, or brothers, from another mother? Sila ‘yung mga kaibigang nakilala mo maraming taon na ang nakalipas at sa kabila ng mahabang panahon, nandiyan pa rin sila para sa iyo. Sila ‘yung friends na sa sobrang close ninyo ay mas higit pa sa pagkakaibigan ang turing ninyo sa isa’t isa. Sila ‘yung mga maaari mong kausapin tungkol sa kahit ano at hindi ka matatakot na ija-judge ka nila, mga kaibigang nasasabihan mo ng ups and downs ng buhay mo, at kasama mo sa oras ng tawanan at iyakan. Sila ‘yung magkaiba man kayo ng personality pero naiintindihan ninyo ang isa’t isa at nirerespeto ninyo ang differences ninyo.

Napakapalad ng taong nakahanap na ng ganitong klaseng mga kaibigan. We all know na napakahirap magtiwala at napakasakit kapag nasira ang tiwala. It’s somehow unfortunate that popularity is sometimes attributed to the number of Facebook friends and Instagram followers one has. But if we will be honest, sa kabila ng tila ba pagliit ng mundo dahil sa social media kung saan everyone is just a message away, marami pa rin ang walang matawag na constant and real friends.

Itinuring ni Jesus ang mga disciple Niya na mga kaibigan. Nakasama Niya sila ng tatlong taon at tinuruan ng maraming bagay. Kung wine-welcome din natin si Jesus sa buhay natin, He will also call us as His friends. Puwede natin Siyang makausap kahit anong oras at makasama sa ups and downs ng buhay natin. Makakasama natin Siya sa tawanan at iyakan. And if we devote ourselves to Him, we will learn much more about God and enjoy lasting friendship with Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, I welcome You into my life. Thank You for making me Your friend and letting me enjoy lasting friendship with You. Salamat din po sa mga taong binibigay Ninyo sa akin bilang mga tunay na kaibigan.

APPLICATION

May mga kaibigan ka bang masasabi mong hindi ka iniwan sa hirap at ginhawa? Pasalamatan mo sila at alamin kung ano ang maaari mong ipagdasal para sa kanila. Kung hindi pa nila kilala si Jesus, ipakilala mo Siya sa kanila.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 7 =