13
MAY 2022
God of So Much More
Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.
1 Mga Taga-Corinto 2:9
Puti ang buhok, puti rin at mahaba ang bigote, at nakaupo sa isang tronong nakakasilaw. Maraming bata ang lumalaki believing that God looks this way. Ayaw Niya ng magulo, maingay, at masyadong nag-eenjoy. Tingi-tingi ang biyayang inaabot Niya at lagi Siyang nakabantay sa atin, waiting for us to make a mistake. Pero killjoy nga ba si God?
Sabi ni Apostle Paul tungkol sa Diyos, “Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin” (Mga Taga-Efeso 3:20). Walang limit na biyaya ‘yun! Sabi rin niya, “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa” (2 Mga Taga-Corinto 9:8). Sabi naman ni James, “Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan” (Santiago 1:17). Napakabait Niya at mapagbigay. Paano ka namang hindi mapapalapit sa isang Diyos na puno ng pagmamahal?
Si Bing, isang bagong biyuda, ay mahilig sa KDramas (pero mas love niya si Lord kaysa sa mga Korean novela). In response to an online promo featuring Hyun Bin, pinadala ni Bing ang kwento ng kanyang pagluluksa at kung paano nakatulong ang artista sa kanyang healing.
The chosen story — hers — was read sa online fanmeet. Halos mapaiyak si Hyun Bin, and his message to her was: “I hope you have more days to smile you will have brighter days to come.” Pero hindi lang siya ang na-comfort kundi other fans who experienced loss. Dahil sa impact ng sulat niya, Hyun Bin decided to have that letter read in his show sa Korea. The Lord used this experience to encourage Bing’s heart. Ngayon, masasabi ba nating ang Panginoon ay killjoy o “more joy”?
LET’S PRAY
Panginoon, thank You for being the God of so much more to those who love You. Forgive me for forgetting this sometimes. Lumalaki ang mga problema ko kasi ang liit ng pagkakakilala ko sa Inyo. Help me know You and love You the way You want to be known and loved. Amen.
APPLICATION
Write down today’s verses: 1 Corinthians 2:9, Ephesians 3:20, 2 Corinthians 9:8, James 1:17, James 1:5. Spend some time loving God by praising the God of so much more!