14

MAY 2022

God’s Answer to a Student’s Prayer

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Alma S. De Guzman

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Taga-Roma 8:28

“Lord, tulungan po Ninyo akong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi na raw po pwede gamitin yung Presidential Decree 577 Grant ko sa school kasi nagbago na ang rules nila. Lord, paano na po ako makakagraduate?” Pagsamo ng estudyante sa Panginoon.

Marso 2006 nang malaman ng estudyante na hindi na niya pwedeng ituloy ang kanyang pag-aaral dahil tinanggihan na ng pamantasan ang grant na ginagamit niya para makapag-enrol. Paulit-ulit syang umiyak at nanalangin sa Panginoon habang nire-recite ang Romans 8:28. Ulila sa ama, ang ina lang niya ang nagtataguyod sa kanya. Kulang ang kita ng Mama niya para makapagbayad siya ng tuition fee. Humingi sila ng tulong sa iba — nangutang at sumulat sa pulitiko — pero lahat ng iyon ay hindi nagtagumpay.

Sinubok ng pagkakataong ito ang pananampalataya ng estudyante. Nakaramdam siya ng takot, lungkot, at alinlangan. Pinanghawakan niya ang katotohanang, “all things work together for good for those who love God.” Mula sa panalanging ito, isang pangyayari ang niloob ng Panginoon na maganap.

Nakatanggap sila ng tawag at sinabi na siya’y qualified mag-apply para sa isang full scholarship. Nabuhayan siya ng loob, masayang nag-thank you Panginoon. She didn’t expect that God can orchestrate circumstances to answer her prayer. After a month, natanggap niya ang full scholarship na may mas maraming benepisyo kaysa sa PD Grant nya. Nalaman niya na isa pala siya sa mga mapapalad na estudyanteng pinagpiliang makatanggap ng scholarship. Bago pa man siya maging scholar, itinakda ng Panginoon ang bawat pangyayari para makagraduate siya.

May malaking bagay ka bang hinihiling sa Panginoon? Huwag magsawa sa pananalangin. Ang Kanyang bawat pagtugon ay alinsunod sa mga pangako at salitang nasa Biblia. Nangungusap si Lord sa circumstances natin sa buhay. Continue to seek the Lord, and respond with wisdom. In whatever situation we are in, the Lord has His way to orchestrate events and fulfill what He wills to do for His people.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, buksan po Ninyo ang aking puso at isipan na maunawaan ang mabuting hangarin ng puso Ninyo sa bawat pangyayari sa aking buhay. Lord, I trust You with my whole heart.

APPLICATION

Pause. Ponder. And pray. Balikan sa iyong alaala ang isang bagay na ginawa ng Panginoon na hindi mo akalain na mangyayari. Take time to thank God for all the circumstances He orchestrated to help and guide you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 11 =