24
APRIL 2025
God of the Impossible
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
Mateo 19:26
May extraordinary skill ka ba na kaya mong ipanlaban sa Guinness World Records? Angel Alvarado of Colombia earned a Guinness World Record for doing something that was described as almost impossible — solving three rotating Rubik’s cubes while juggling sa loob lamang ng four minutes and 31.01 seconds. Wow!
We are impressed by geniuses, experts, and record holders. Pero gaano man sila kagagaling, merong mas magaling. Nakakagawa man sila ng mga halos imposibleng bagay, may nag-iisang nakakagawa — at gumawa na — ng mga bagay na sa tingin natin ay hindi puwedeng mangyari, pero dahil sa kapangyarihan Niya, ay nangyari at maaari pang mangyari.
God indeed holds the record for doing the impossible.
Gawing isang ina ang baog at matanda nang si Elizabeth? Nagawa Niya! (Luke 1:36-37)
Ang ipadala ang Kanyang Anak bilang isang sanggol sa pamamagitan ng isang birhen? Nagawa Niya! (Luke 1:31; 2:6–7)
Minsan, takang-taka ang mga tagasunod ni Jesus, kaya tinanong nila: “Sino po ang maliligtas?” Sinagot sila ni Jesus, “Imposible ito sa tao; pero sa Dios, ang lahat ay posible” (Mateo 19:26, ASND).
Ang kaligtasan ng tao mula sa kuko ng kadiliman at kasalanan ay ginawan ng paraan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagpataw sa Anak ng Diyos ng parusang kamatayan sa krus, na-solve ng Diyos ang napakatinding problema ng tao: ang hinihinging kabayaran sa kasalanan ay napagbayaran, natugunan ang hinihinging katarungan ng Diyos, at naligtas ang tao sa kaparusahan (Mga Taga-Roma 6:23; Isaias 53:5–6).
God is a record holder like no other. In that one act of sacrifice on the cross, when Jesus cried, “It is finished!” (John 19:30), we have been forgiven of all our sins and brought near to God. Ginawa na ng Diyos ang imposible; ang hinihingi Niya ngayon sa atin ay gawin ang posible: ang maniwala sa Kanya at sa Kanyang ginawa.
LET’S PRAY
Jesus, I believe You died on the cross to save me from sin. I praise You for Your mercy, power, wisdom, justice, and love. Walang imposible sa Iyo!
APPLICATION
Mag-swipe left para isama sa iyong Prayer List ang mga taong nais mong makakilala sa Panginoong Jesus. Ipag-pray mo rin na tulungan ng Diyos ang mga kakilala mong nasa mahigpit na sitwasyon.
SHARE THIS QUOTE
