18

APRIL 2023

Great Faith Endures

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Rebecca M. Cabral & Written by Rebecca M. Cabral

Ang babaing ito’y isang Griego na Sirofenicia. Nakiusap ito kay Jesus na palayasin ang demonyong sumapi sa kanyang anak. Ngunit sinabi ni Jesus, “Kailangang ang mga anak muna ang pakainin. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso.” Tugon ng babae, “Tunay nga po, Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak.” Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”

Marcos 7: 26–29

Have you been in a hopeless situation where you sought help from a trusted friend, but you were rejected? You were hurt, humiliated, and angry that you wanted to sever your relationship with that friend. Imagine the feeling of the Syrophoenician woman who sought Jesus to heal her daughter from demonic possession (Marcos 7:2530).

Hindi lamang tila binalewala siya ni Jesus, kundi mukhang pinahiya pa siya nang sabihin Niyang, “Sa mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo” (Mateo 15:24). Hindi iyon inalintana ng babae at patuloy siyang nagmakaawa. Sinagot pa rin siya ni Jesus, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso” (Marcos 7:27).

Ang “mga anak” ay tumutukoy sa mga Judio at ang mga “aso” ay ang mga Hentil, o mga di-Judio. Sa halip na umalis, bitbit ang galit at sama ng loob, sinabi ng babae, “Totoo nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon” (Mateo 15:27). Jesus tested the woman here, and what she showed was a genuinely extraordinary faith.

Batid ng babaeng Sirofenicia ang katayuan niya sa lipunan. Isa siyang babae, Hentil, at nagmula sa bansang kaaway ng mga Judio. Mga balakid iyon na kanyang hinarap subalit hindi naging dahilan upang mawasak ang kanyang pananampalataya. Sa halip, lalong naging matatag ang kanyang paniniwalang tanging si Jesus lamang ang makapagpapagaling sa kanyang anak. Dahil dito, sinabi ni Jesus, “Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di’y gumaling ang kanyang anak (Mateo 15: 28). Nang mga sandalling iyon, naipamalas rin ni Jesus na bawat tao ay mahalaga sa Diyos, anuman ang sitwasyon niya sa buhay. Christ came to save and heal people from all walks of life.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, minsan po ay nanghihina ang aking pananampalataya dala ng mga problema ko. Palakasin po Ninyo ang aking pananampalataya kagaya ng babaeng Sirofenicia. Amen.

APPLICATION

Anong balakid ang kinakaharap mo na nagpapahina ng iyong pananampalataya? You can request a prayer and receive encouragement from one of our prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 11 =