18

APRIL 2021

Hanapin Kasi ang Dahilan!

by | 202104, Devotionals, Trusting God

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Byron Sadia & Written by Celeste Endriga-Javier

Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.

Mga Hebreo 4:16

Maiging pinagmamasdan ng apat na taong gulang na si Mark ang two-year-old niyang kapatid na si Minique. Sa takot na makagat, masigasig na binubugaw ng kanyang bunsong kapatid ang mumunting langgam na tila nagmamartsa sa sahig. Pero pagkaraan lang ng ilang minuto, eto na naman ang mga langgam, nanunuya’t gumagawa ng panibagong pila.

Sabi ni Kuya Mark, “Eh hanapin mo kasi ang dahil!” Tinuruan ni Mark si Minique na sundan ang prusisyon ng mga langgam. At gaya ng inaasahan, sabay nilang natagpuan ang dahilan. Sa sulok ng silid ay may isang pirasong kendi na pinupupog ng sangkaterbang langgam. Matapang na dinampot ni Kuya Mark ang kendi, itinapon sa lababo, at itinapat sa gripo hanggang sa matunaw ito. Maya-maya, nawala na rin ang mga langgam. Wow, manghang-mangha ang bunso sa talino ng kanyang kuya!

Minsan sa buhay natin, nagkakaroon ng mga tila insektong maaaring “mangagat” o makasakit sa atin. Gayahin natin sila Mark at Minique na hinanap ang dahilan kung bakit may mga langgam. May sakit ka ba? Hindi kaya ito dulot ng stress? Hindi kaya ito dulot ng isang relasyong mapang-abuso, pisikal man o emosyonal? Baka kung uungkatin pa nang mas malalim, matutumbok na di pala tama sa mata ng Diyos ang relasyong iyon sa simula’t sapul.

May mga problema ring pinansyal. Baon ka ba sa utang? Hindi ka kaya kulang sa pagtitipid at kaalaman sa pagba-budget? O baka ang problema ay pagsusugal.

May karamdaman ka ba? May mga sakit na ang tunay na ugat ay bitterness and unforgiveness na matagal nang kinikimkim.

Hindi man sa areas na nabanggit, baka naman pagkalulong sa droga, paglalasing, paninigarilyo, stress eating, labis na paglalaro ng video games, o pornography ang problemang umaatake sa iyo.

Kapatid, anuman ang iyong problema, hanapin mo ang dahilan at ihingi mo ng tulong sa mahabagin nating Diyos. Pinalaya na tayo ni Jesus sa anumang uri ng pagkakaalipin kaya hindi na tayo dapat magpagapos sa mga ito. Alam ng Diyos ang ugat ng lahat ng iyong problema. Huwag kang matakot na lumapit sa Kanya. He welcomes you with open arms as you are—in sin, in sickness, in helplessness, in brokenness. Mahal na mahal ka Niya. Totoo ang Kanyang Salita na nagsasabing matatagpuan natin sa Kanya ang habag at kalinga na kailangan natin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Tayo’y manalangin: Amang mahabagin, salamat po sa Inyong buhay na Salita. Salamat po na di Ninyo kami tinutuya o kino-condemn, bagkus ay tinutulungan. Through Jesus, pinatawad na nga po Ninyo ang aming mga pagkakasala. Sige po, ipakita Ninyo ang naging ugat ng aming mga kahinaan at Inyo kaming palakasin. Hinihingi po namin na maranasan namin ang Inyong pagpapagaling. Salamat sa Inyong pagmamahal na tunay na nagpapalaya. Amen.

APPLICATION

Mayroon ka bang tinatagong kasalanan na hindi mo kayang labanan nang mag-isa? I-click ang icon na “Chat with Us” kung gusto mong may makausap na prayer counselor tungkol dito.  Ang paghahayag ng iyong kasalanan o kahinaan ay magbibigay-daan upang maranasan mo ang kalayaang kaloob ni Cristo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 8 =