25

DECEMBER 2023

Happy Birthday, Jesus!

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Adajar-Velves

Merry Christmas! We often greet each other this way during this season. Pero hindi ba, maganda ring batiin ang may birthday sa araw na ito? Welcome to the last part of our special series, “Christmas: It’s About Jesus”.

Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.

Mateo 2:11

Nang dahil sa scam, ito ang unang Pasko nina Vina na mawalan ng handang pagkain sa Noche Buena at walang mabalot na regalo para sa anak na si Olivia. Kinausap ni Vina ang anak at sinabing “Sorry ha, wala ka munang gift ngayon.” Pero nagulat siya sa naging reponse ng limang taong bata. Kinuha ng bata ang balloon na natanggap niya mula sa birthday party ng kaklase at sinulat ang “Happy birthday, Jesus!” Saka sumagot ng, “Okay lang, Mommy, hindi naman ako ang may birthday ngayon kundi si Jesus. Ito o, papadalan ko Siya ng greetings.” Lumabas ang mag-ina at pinalipad ang lobo.

Sa musmos na kaisipan ni Olivia, maaga siyang namulat sa true reason of the Christmas season ― walang iba kundi si Jesus. Kadalasan, sobrang busy tayo sa kabi-kabilang Christmas parties at pagsho-shopping para sa mga gift-giving na nakakalimot na tayo kung ano at sino nga ba ang sine-celebrate natin.

Kaya anuman ang sitwasyon natin ngayon, nakakaluwag man tayo o kinakapos, let us take this moment to really thank God for sending His only begotten Son para sa kaligtasan nating lahat. Dahil kahit ano pang regalo ang matanggap natin ngayong season, walang papantay sa regalong ibinigay sa atin ng Diyos ― His only Son Jesus Christ. He is the One who made it possible so that we can receive God’s salvation, freedom, healing, protection, and favor.

The true reason for the Christmas season is Jesus Christ. Thank you for joining us and we hope that you truly have a merry Christmas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, happy birthday po! Thank You for giving Your life for my salvation. As we celebrate Christmas this season, inaalala namin na everything is about You. May we celebrate your birthday in a way that glorifies Your name.

APPLICATION

Magsulat ng “Happy Birthday, Jesus” sa isang card at isama ito sa inyong Christmas decoration. This way, you can be reminded na Siya ang bida sa araw na ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 8 =