14

MAY 2021

Happy Ka na ba sa Secondhand?

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Camilla Kim-Galvez & Written by Yna S. Reyes

Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain. Makinig kayo at lumapit sa akin. Sundin ninyo ako at magkakaroon kayo ng buhay! 

Isaias 55: 2-3

Mahilig ka bang mamili sa ukay-ukay? Mabibili mo dito nang bagsak-presyo ang lahat ng klase ng damit, sapatos, at iba pang mga gamit.  Secondhand kasi ang mga ito.

Walang masama sa secondhand na gamit, lalo na kung nagtitipid tayo. Pero sa Christian life, hindi healthy ang masanay sa secondhand.

Sadly, happy na ang maraming Christians sa secondhand. For example, imbes na basahin ang Bible at mag-reflect sa Word of God araw-araw, iba’t ibang Christian books at devotionals ang babasahin. Imbes na mag-devote ng time in prayer para makipag-usap at makapakinig sa Diyos, mabilis lang na magsasabi ng “Bless me, Lord!” Imbes na mag-worship sa church kasama ang brothers and sisters in Christ, magkukulong na lang sa kuwarto para makinig sandali ng Christian music at podcast.

Hindi natin sinasabing hindi helpful ang devotionals, Christian books, music, at podcasts. Pero supplements lang ang mga ito sa pagbabasa ng Bible mismo. Kung gusto mong makilala si Jesus in an intimate, personal way, basahin mo ang Bible. Ito ay Word Niya mismo.

Maraming spiritual truths ang madi-discover mo kapag binasa mo ang Bible regularly. As you read, may mga bagong insight na ipapakita sa iyo ang Holy Spirit. May malalaman kang mga katotohanan tungkol sa Diyos na magbibigay sa iyo ng tunay na kasiyahan. Ang Salita ng Diyos ay parang masarap na pagkain na makakabusog sa iyong kaluluwa (Mateo 4:4).

Kapag ginawa mong daily habit ang Bible reading, reflection, at prayer, lalalim ang pagkakakilala mo kay Jesus. Hindi na second-hand knowledge lang. Lalago ang faith mo dahil ikaw mismo ang makakarinig mula kay Cristo. Ikaw mismo ang makaka-discover ng spiritual treasures straight from the Scriptures. Di ba exciting iyon?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I repent. Hindi pala ako dapat makuntento sa second-hand information about You. I want to know You personally in a fresh way. Buksan Ninyo ang isip at puso ko sa teachings and promises Ninyo as revealed in Your Word.

APPLICATION

Bakit hindi ka bumili ng isang study Bible para makatulong sa iyong mas malalim na pag-aaral ng Salita ng Diyos?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 9 =