16
APRIL 2021
Hashtag Blessed
Dahil siya’y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos.
Juan 1:16
Usong-uso ngayon sa social media ang paggamit ng hashtags sa isang post. Ang hashtag ay ginagamit para mas maraming tao ang makabasa at makakita ng isang post. At isa sa mga pinaka-popular hashtags na ginagamit ngayon ay ang “#blessed.”
Maraming tao ang gumagamit nito sa kanilang posts kapag sila ay nakakatanggap ng regalo, pera, bagong gamit, kotse, sapatos, o kaya naman ay kapag may magandang nangyayari sa kanila tulad ng bakasyon sa ibang bansa, pagkain sa isang mamahaling restaurant, o promotion sa trabaho. Kaya naman hindi na bago sa atin ang makabasa ng posts sa social media tulad nito: “Thank you Lord for my new shoes. #blessed #happy #newshoes.”
Pero sino nga ba ang tunay na blessed? Ano nga ba ang tunay na sukatan natin para sabihing tayo ay blessed? Masasabi lang ba natin na tayo ay blessed kapag may material things tayo na natatanggap or nabibili, at kapag okay lang lahat ng nangyayari sa ating buhay?
Ang totoo, being blessed is more than just having material possessions and experiencing the good life, although they could be part of it. Kung titingnan natin ang Mga Taga-Efeso 1:3, ang salitang “blessed” o “blessing” ay hindi ginamit para tukuyin ang pagkakaroon ng mga materyal na bagay tulad ng pera, bahay, kotse, at masasarap na pagkain. Ang sabi sa Mga Taga-Efeso 1:3, “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.” Pinagkalooban pala tayo ng mga pagpapalang espiritwal (spiritual blessings) simula nang tanggapin natin si Jesus! Ano-ano ang spiritual blessings na ito? Marami! Ito ang mga bagay na galing kay Lord at hindi ito nabibili ng pera.
Salvation. Peace. Love. Joy. Healing. Strength. Faith. Hope. Ilan lamang ito sa spiritual blessings na galing kay Lord. At ang good news? Ang sabi sa Bible, ibinigay na ito sa lahat ng tumanggap kay Jesus! Samakatuwid, kung tinanggap mo na si Jesus sa puso mo, kasama mo ring tinanggap ang lahat ng mga pagpapalang ito! Ang galing, di ba? Complete package! Kaya hindi totoong hindi ka blessed porke’t wala kang maraming material possessions. YOU ARE BLESSED! Si Jesus ang tunay na blessing natin. If we have Jesus, we have everything. If we have Jesus, then we can say we are truly blessed.
LET’S PRAY
Lord, maraming salamat na pinagkalooban Ninyo ako ng spiritual blessings dahil ako ay na kay Cristo. Salamat sa salvation, peace, love, joy, healing, strength, faith, hope, right standing with You, and many more. Pinupuri ko Kayo sa lahat ng mga biyayang ito araw-araw. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Sa halip na mag-post ng material possessions, mag-post ka sa social media ng magagandang bagay na ginawa ni Lord sa iyo o kaya naman ay Bible verses at gamitin ang hashtag blessed (#blessed). I-share mo rin ang meme sa page na ito and bless someone today!