17
JULY 2023
He Has the Best Plans for Us
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong-puno ng pag-asa.
Jeremias 29:11
Christopher plans well for his future kaya naman pinagsasabay-sabay niya ang tatlong trabaho to make sure na stable ang finances niya. Nang mag-decide siyang kumuha ng bahay, confident siya na magiging maayos ang lahat.
But then one of the companies where he was employed shut down. Dahil sa inaayos na bahay, nalagay sa alanganin ang finances niya. He tried applying for a new job pero wala siyang makita na sakto sa schedule niya para hindi ito mag-overlap sa dalawa pa niyang trabaho. Nauubos na ang kanyang ipon. Maging ang mga sahod niya ay hindi na rin sapat. Nang wala na siyang makitang solusyon, he turned to God. The control freak finally yielded to the One who controls everything.
After that, tinawagan si Christopher ng isang kamag-anak nila para ibalitang pumanaw na ang kanyang tito. Dahil wala itong anak, isa si Christopher sa mga pinamanahan nito. Laking gulat niya dahil higit pa sa kanyang pangangailangan ang mamanahin niya. Truly, God works in mysterious ways!
Hindi masama ang maghanda para sa kinabukasan, o ang magsipag para maabot ang mga pangarap sa buhay. But a lot of times, dahil kinakaya naman natin ang mga bagay, nakakalimutan natin who really has the control over everything. Kung hindi tayo nahihirapan, hindi tayo lalapit kay God. But He wants us to do it the other way around. Bilang ating Ama, gusto Niyang sa Kanya muna tayo magkuwento ng ating mga plano; or better yet, alamin natin sa Kanya kung ano ang plano Niya para sa atin. Tiyak na He has the best plans for us.
LET’S PRAY
Panginoon, nahihirapan po ako ngayon sa (state your concern), and I submit it to You. I am excited to see kung paano po Kayo muling kikilos sa buhay ko. Increase my faith that I may learn to trust You fully on this. I pray this in the name of Jesus. Amen.
APPLICATION
Swipe left para i-type sa iyong Prayer List ang mga pinaplano mong gawin. Ask God to reveal to you what you should really do.