20
JUNE 2024
He Just Knocks
Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.
Pahayag 3:20
“Service tayo bukas ha, huwag nang matulog ng late,” paalala ni Nanay Rita sa kanyang mga anak. Kinabukasan, di magising-gising ang mga anak dahil nagpuyat nga. Nag-react tuloy ang nanay, “Ayan, male-late na naman tayo. Kailan ninyo ba gagawing priority ang pagsimba?” Ang dapat sana‘y araw ng pagdiwang ay nauwi sa araw ng sisihan at sapilitan.
Worried si Rita dahil tila lumalayo ang mga anak sa kinalakihan nilang pananampalataya. Biglang paalala ng kanyang asawa, “Mahal, ‘di ba halos lahat ng nagsi-share sa church at binago ni Lord, naimbita lamang ng iba? Wala naman sa kanilang pinilit. Eh si Jesus nga, gentleman. He just knocks.”
Sa Bible, may mga example rin ng mga na-invite lamang, na-meet si Lord and were never the same again. Kagaya ni Peter. After his brother, Andrew, saw Jesus, si Peter ang una niyang hinila (John 1:41–42). Si Nathanael din, who is also one of His 12 disciples, was invited naman by Philip. Sabi niya kay Nathanael, “Come and see” (John 1:46, NIV). Hindi sila pinilit, pinagsabihan o pina-guilty. Hindi namumwersang pagbuksan ng pinto o maingay na kumakabog. Tila kumakatok lamang katulad ni Jesus. Mas-effective.
Katulad ka rin ba ni Nanay Rita na sa sobrang alala, sa halip na i-entrust mo kay Lord ang iyong mga mahal sa buhay, you are forcing them to open the door of their hearts to the Lord? Careful, careful, hindi ‘yan style ni Jesus at baka lalo pa silang mapalayo.
LET’S PRAY
Lord, patawarin Ninyo ako for trying to control others. I surrender their spiritual walk with You, Lord. May they encounter their Andrews and Philips! Open their ears, Lord, to hear Your gentle knocking and soften their hearts to let You in. In Jesus‘ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Baka ikaw ang Andrew or Philip sa buhay ng iba? Ask the Lord who you can invite to meet Him this week through your personal sharing or to a church event or service. At para maalala mo ang gentle knocking ni Jesus, make it a point this week to knock first bago ka pumasok sa kuwarto ng iba.