9
APRIL 2024
Heeding the Warning Signs
Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
1 Mga Taga-Corinto 6:20b
Laging nakakaramdam ng pagod si Manuel, isang industrial electrician. Dahil physically exhausting ang kanyang trabaho, naisip niyang uminom ng energy drink to give him a boost. After some time, nag-increase ang kanyang daily consumption to two cans. Sa kasamaang palad, inatake sa puso si Manuel. He survived it, but ended up with only 35% heart function, as well as diabetes, requiring daily insulin injection.
The warning sign of constant exhaustion should have alerted Manuel, a Christian. But instead of heeding the sign, he ignored it and solved his problem of exhaustion with a drink that has dangerous benefits.
Sinabi ni Apostle Paul sa mga taga-Corinto, “May magsasabi, ‘Malaya akong makakagawa ng kahit ano,’ ngunit ang sagot ko naman ay ‘Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti.’ Maaari ko ring sabihin, ‘Maaari akong gumawa ng kahit ano,’ ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay … Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos” (1 Mga Taga-Corinto 6:12, 19–20).
Tigilan na natin ang pagsunod sa misleading slogans tulad ng, “My body, my choice!” at “It’s my life and I’ll do what I want!” Kung aalamin at aaminin natin kung sino ang tunay na lumikha sa atin — ang Panginoong Diyos — at kung ano ang Kanyang ultimate purpose for creating us — to give Him glory — matututo tayong mag-alaga sa ating mga katawan. Lahat ng makakabuti ang ating piliin, hindi ang energy drinks o kung ano pang substance or even food that can damage our health! In taking care of our bodies, let’s remember to do everything in moderation and to use godly wisdom.
LET’S PRAY
Lord, forgive me for abusing my body dahil sa aking mga maling akala. Help me to honor You with my body in a pleasing and acceptable manner.
APPLICATION
Isulat mo ang mga bagay na ginagawa mong pang-aabuso sa iyong katawan and pray the prayer again.