28

JULY 2022

Higher Than Your Ways

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa’y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.’”

Isaias 55:8

Maya’t mayang tina-track ni Ben sa website ng courier ang delivery ng bago niyang cellphone. Hanggang sa biglang tumigil ang delivery ng package. Agad siyang nag-chat sa customer service ng courier, inilagay ang pangalan at contact details niya. Nalaman niyang mali ang address na nailagay ng cellphone company. Ayon sa protocol ng courier, hindi sila basta tumatanggap ng information na ibinibigay ng customer na tumatawag sa kanila. Ang cellphone company mismo ang kailangang mag-email kay courier para makaiwas sa scam. Ilang beses namang sinunod ng cellphone company ang procedure pero walang natatanggap na email ang courier. Ito ang naging prayer ni Ben, “Lord, please make a way na matanggap na po iyong email para magproceed na ang delivery process.” Kinabukasan dumating ang package niya kahit walang email na nakarating kay courier. Apparently, the delivery man accidentally read the chat conversation Ben had with the customer service where he saw the correct contact details.

Hindi mali ang naging prayer ni Ben. Hiningi lang niya kay God kung ano sa tingin niya ang solusyon sa problema. Gaya ni Ben, dini-direct natin si God sa mga prayer natin. Pero God’s ways are higher than ours (Isaiah 55:8).

Our minds and capabilities are limited. Madalas, kapag nahaharap tayo sa problema, feeling natin dead end na. But our God is omniscient. Hindi ba napakasarap isipin na laging out of the box ang mga ideas ni God? We can always trust Him to do what’s best.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, sorry for the times na pinangunahan Kita. Whatever I am facing today, I entrust them to You. Let Your will be done.

APPLICATION

Naging director ka na rin ba sa prayer mo? Ask God to transform your heart that you may learn to trust His ways.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 15 =