20
MAY 2026
Praying on Behalf of Others
Kinukumusta rin kayo ng kababayan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo’y maging matatag, ganap, at lubos na masunurin sa kalooban ng Diyos.
Mga Taga-Colosas 4:12
“Tapat na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo.” Ito ang description ni Apostle Paul kay Epaphras sa unang chapter ng kanyang sulat sa mga mananampalataya sa Colosas. Bukod sa sulat na ito, wala na tayong masyadong impormasyon tungkol sa kanya. Alam lang natin na kasama siyang nabilanggo ni Paul dahil sa pagbabahagi ng ebanghelyo ni Cristo (Filemon 1:23).
Konti man ang alam natin tungkol kay Epaphras, may isang gawain naman siya na binigyang-diin ni Paul sa kanyang sulat. Sa Colossians 4:12, binanggit ulit siya ng apostol na laging nananalangin “nang buong taimtim” para sa mga taga-Colosas. Sa ESV version, trinanslate ito bilang “always struggling on your behalf in his prayers.”
Kung iisipin, puwedeng kabaligtaran ang ginawa ni Epaphras. Sa kanyang pagkakabilanggo, puwedeng hiniling niya sa mga taga-Colosas na siya ang ipanalangin ng mga ito. Pero sobra-sobra ang pagmamahal niya sa kanyang mga kababayan na masugid niyang ipinagpatuloy ang pananalangin para sa kanila, kahit na mas mahirap at delikado ang kanyang kalagayan sa bilangguan. Dahil dito, tinawag siya ni Paul bilang “tapat na lingkod ni Cristo” at ipinagmalaki ang kanyang pagsisikap, hindi lamang para sa mga taga-Colosas kundi pati na rin sa mga taga-Laodicea at Hierapolis (Mga Taga-Colosas 4:13).
Nili-lead ka ba ni Lord na ipanalangin ang ibang tao ngayon? O masyado kang nakapokus sa mga kabiguan o kahirapan mo sa buhay para maglaan ng panahon to pray on behalf of others? Kung nawawalan ka ng motivation para ipanalangin ang ibang tao, may you find encouragement sa actions ni Epaphras. Piliin mo rin sanang patuloy na manalangin para sa ikabubuti nila sa kabila ng iyong pinagdaraanan.
LET’S PRAY
Jesus, bigyan Mo po ako ng puso na may concern para sa ibang tao. Tulungan Mo ako na manalangin nang taimtim on their behalf. Amen.
APPLICATION
Maglista ng two to three names ng mga taong gusto mong ipanalangin this week. Puwede mong ipanalangin ang isang kakilala, isang di-kakilala na naka-interact mo recently, or isang public figure na alam mong kailangan ng tapang or conviction sa kanyang gawain.
SHARE THIS QUOTE
