13
NOVEMBER 2021
Hindi Ka Niya Ipapahiya
Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.”
Mga Taga-Roma 10:11
Naranasan mo na bang matawag on the spot during a class recitation? O kaya ay matawag to give your insights to a crowd? Nakakakaba ‘di ba? Familiar tayo sa mga nanginginig na boses o nagtuturuan when it comes to asking who will report kapag may group activities—sa school man, sa church, o sa work. Nerve wracking naman kasi talaga ang magsalita publicly!
Ayon sa National Institute of Mental Health, public speaking anxiety, or glossophobia, affects about 73% of the population sa Amerika. We can observe almost the same thing dito sa Pilipinas. The cause is the underlying fear of judgment or negative evaluation of others.
Takot tayong mapahiya at mapagtawanan—isang bagay na hindi naman natin dapat ikahiya but something we need to overcome. Ang sabi sa Mga Taga-Roma 10:11, “Sinabi nga ng kasulatan, ‘Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.’”
Minsan, masusuong talaga tayo sa mga sitwasyon where we have to get out of our comfort zones and speak. There will also be times when we need to act beyond what is normal for us.
Bilang Christians, hindi malalaman ng ibang tao ang pagmamahal ni Jesus kung hindi tayo magsasalita. Sabi nga sa Mga Taga-Roma 10:14, “Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?”
LET’S PRAY
Father, thank You for Your promise na hinding-hindi Ninyo ako hahayaang mapahiya. Nagtitiwala ako sa Inyo. May You always lead me to speak about You and share Your love to others. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
This week, ask the Lord for divine opportunities and appointments na mai-share ang Kanyang pagmamahal sa ibang tao. I-share din ang mga na-encounter mo sa iyong brothers and sisters in Christ to encourage them to testify also about Christ.