7

MARCH 2025

Hindi Makakalusot ang mga Sinungaling sa Diyos

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Luisa Collopy

Welcome back to our series, “Hate ni Lord ‘Yan!” Alamin natin ang isa pang bagay na ayon sa aklat ng Kawikaan ay kinamumuhian ng Diyos.

Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.

Mga Kawikaan 26:28

“Puwede ka bang mag-extend to help us find a replacement? In exchange, ire-retire ka namin at ibibigay ang  mga request mo,” ang sabi ng president, kasama ng VP, sa kanyang director nang matanggap ang resignation letter nito. Pero makalipas ang ilang araw, tinawag ang director at ibinigay ang acceptance letter of resignation, kung saan ay nakasulat ang extension date, pero wala ang mga ipinangako! “Anong nangyari?” tanong ng director na gulat na gulat. “I changed my mind. Nag-resign ka, kaya bakit ka namin bibigyan ng benefits?” No comment ang VP!

Sinasabing ang mga taong sinungaling ay mahilig sa knee-jerk reaction because they go into survival mode. Dahil shaken ang kanilang comfort zone, hindi nila maiwasang pagtakpan ang kanilang painful truth. They spin beautiful words to convince others of their sincerity and good intentions. Or they blame others for their actions or wrongdoings, gaya ng ginawa ng presidente sa kuwento natin. Unfortunately, other people suffer.

Alam mo bang nagsinungaling si Abraham tungkol sa tunay nilang relasyon ni Sarah bilang mag-asawa? Sabi sa Genesis 20:1–2, “Nilisan ni Abraham ang Mamre at nagpunta sa lupain ng Negeb sa pagitan ng Kades at Shur, at tumira sa Gerar. Habang siya’y naroon, kapatid ang pakilala niya kay Sara, kaya ito’y pinakuha ni Abimelec, hari ng Gerar.”

In a dream, God told Abimelech that Sarah was married. Sa confrontation nina Abimelech at Abraham, sinabi ni Abimelech, “Ano bang pumasok diyan sa isip mo at ginawa mo ang bagay na ito?” Sumagot si Abraham, “Ang akala ko po’y walang takot sa Diyos ang mga tagarito, at nangamba akong baka patayin nila ako para makuha ang aking asawa” (vv.10–11). Lumabas ang katotohanan! Abraham wanted to preserve his own life so he lied and compromised Sarah. At kung nagkaroon ng sexual encounter between Abimelech and Sarah, death ang sure punishment ng Diyos sa hari.

Pero hindi nakalusot si Abraham sa kanyang kasinungalingan dahil God intervened to right the wrong and protected the innocent!

We hope you’ll join us again tomorrow and learn from our series, “Hate ni Lord ‘Yan!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, inaamin ko po na nakakapagsinungaling ako at nakakasakit ako sa iba. Tulungan Ninyo akong maging tapat at magsabi ng totoo.

APPLICATION

Pag-isipan mo kung anong pagsisinungaling ang iyong ginawa sa linggong ito. Humingi ng kapatawaran sa Diyos, at kung maaari, sa iyong nasaktan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 7 =