6

MARCH 2025

Ayaw ni God ng Mayabang

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Beng Alba-Jones

God is a God of love, but God hates sin. Tingnan natin ang mga bagay na ikinagagalit ng Diyos sa ating bagong series na “Hate ni Lord ‘Yan!”

Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.

Mga Kawikaan 21:4

Luluhod ka ba sa estatwa kapag inutusan ka ng haring gawin ito?

This is what King Nebuchadnezzar commanded the people to do. Nagpagawa kasi siya ng giant statue para sambahin ng nasasakupan niya (Daniel 3:1–5). He bragged about himself constantly. In Daniel 4:30 (NLT), he said, “Look at this great city of Babylon! By my own mighty power, I have built this beautiful city as my royal residence to display my majestic splendor.”

People might not make statues of themselves today but many, especially powerful, influential, and rich people struggle with pride. Meron silang haughty eyes — mataas ang tingin sa sarili nila, mababa ang tingin sa iba. The Lord hates this. In fact, it’s the first on the list of what He detests written in Proverbs 6:16:19 (NLT), “There are six things the Lord hates — no, seven things he detests: haughty eyes, a lying tongue, hands that kill the innocent, a heart that plots evil, feet that race to do wrong, a false witness who pours out lies, a person who sows discord in a family.”

Hindi ka man hari pero guilty ka ba sa pagiging mayabang? Itanong natin si Bobet. Ipinanganak sa hirap pero nang manalo sa lotto, lumipat sa Alabang mula sa Tondo. Nang makita ng mga dating kapitbahay, dinedma niya silang lahat. He thought, “Naku, manghihingi lang ng pera ang mga hampas-lupang ito!” Nakalimutan niya na pinautang siya ng mga kapitbahay nang mawalan siya dati ng trabaho.

May tendency ka bang maging parang si King Nebuchadnezzar o si Bobet? The only remedy to pride is to remember that God owns everything. Siya lang ang dapat na sinasamba. Hindi ang posisyon, hindi ang impluwensiya, at hindi ang pera.

We hope you’ll join us again tomorrow for the continuation of our series “Hate ni Lord ‘Yan!” In the meantime, remember, ayaw ni God ng mayabang!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear God, may I always look up to You so that I won’t have time to look down on my neighbors. May the Holy Spirit guard my heart against every form of pride. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Pansinin mo kung iba ba ang trato mo sa presidente ng kumpanya at sa janitor ninyo. If yes, could this be a sign of having haughty eyes? Ask God to change your heart kung may kayabangan ka.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 9 =