16

NOVEMBER 2023

Hindi Porke’t Pasko, Masaya

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Christmas is a joyous season. Pero maaaring hindi lahat ng tao ay masaya kapag Pasko. Paano na? Join us in today’s devotion and let’s find comfort from God’s Word.

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.

2 Mga Taga-Corinto 1:3–4

“Merry Christmas, Tito!” masayang bati ni Celia sa kanyang Tito Joe na nag-iisa sa bahay sa araw ng Pasko. “Salamat naman, pamangkin ko, at naalala mo pa ako. Ilang Pasko na akong mag-isa kaya sanay na ako. It’s just another day in the calendar,” Tito Joe replied. Nalungkot si Celia sa narinig. Pero wala siyang magawa dahil nasa ibang bansa siya. She felt helpless and guilty.

Tama ba ang lumayo sa mga tao kapag Pasko? Okay lang bang maging malungkot kapag Pasko? Parang hindi. Pero minsan, okay lang. Maaari kasing may mga taong may bad memory of things that happened during this season. O baka naman they are forced into a circumstance kung saan mag-isa lang sila ngayong Pasko. Maaaring may mga taong nape-pressure din sa mga panahong ganito.

Kung isa ka sa mga taong nalulungkot kapag Christmas season, remember that Jesus acknowledges your loneliness and pain. Naiintindihan ng Panginoon ang iyong kalungkutan at pakiramdam na nag-iisa ka. Hayaan mong aliwin ka ng Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. At kapag natanggap mo na ang kaaliwan mula sa Diyos, sana ay makatulong ka rin para mapasaya mo naman ang iba.

Ituloy natin bukas ang pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos patungkol sa ating Tagapagligtas at Manunubos na si Jesus. After all, “Christmas: It’s About Jesus.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama, pinapanalangin ko po ang mga nag-iisa ngayon, ‘yung mga nawawalan ng pag-asa, at ang mga laging lumuluha. Would you embrace them today, Father, and grant them comfort and joy? Send someone to visit them. Fill them with a new sense of expectancy. Let Jesus be their constant hope. And Holy Spirit, fill them with your grace. Amen.

APPLICATION

Mahirap man sa una, pero simulan mong magpuri sa Panginoon. Imbes na makinig ng Christmas songs about chestnuts roasting, about snow and mistletoe na wala naman sa Pilipinas, tune in to Christian songs that speak of hope and joy, and sing along. You can also reach out to a prayer partner by calling 8-737-0-700 or texting 0998-590-0620 or 0919-060-7567. CBN Asia Prayer Center is here 24/7 for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 4 =