6

MAY 2024

Hingin, Kunin, at Tanggapin

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Thelma A. Alngog

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.

Santiago 1:5

Si Mama Deng ay may anak, si Denz. Araw-araw, lagi mong maririnig si Denz na nagsasabing, “Mama, nasaan ang ganito, Mama, pahingi ng ganito, Mama, ikuha mo ako ng ganito.” Nasa isip ni Denz na alam ng nanay niya ang lahat ng kanyang mga kailangan. Kahit na sobrang liit na bagay, sa nanay niya siya nagtitiwalang humingitumanggap, at kumuha ng lahat ng kanyang mga pangangailangan.

Minsan ang akala natin ay tinatamad lang ang mga taong ganito ang ugali pero ang totoo, buo lang ang tiwala nila. Sinasabi sa Bible na tayo ay dapat magtiwala at lumapit sa Diyos. Sabi sa Mga Hebreo 4:16, “Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.”

Sina Shadrach, Meshach, at Abednego ay hinatulan ng kamatayan sa loob ng fiery furnace. Nagtiwala sila sa Diyos at tumanggap ng kaligtasan galing sa Panginoon. Tunay nga na hanggang sa huli ay niligtas sila ng Panginoon!

Si Joseph ay nagkaroon ng hindi magandang karanasan nang magalit ang mga kapatid niya sa kanya. Siya ay ipinagbili at naging alipin sa ibang lugar. Nakulong siya dahil sa kasalanang hindi niya ginawa. Kanino ba siya nagtiwala? Sa Diyos na pinagkatiwalaan ng kanyang amang si Jacob.

May pinagdadaanan ka rin ba ngayon? Kaya mo bang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat? Hingin, kunin, at tanggapin! Sina Shadrach, Meshach, Abednego, at Joseph ay humingi ng tulong sa Diyos dahil alam nilang kulang sila sa karunungan. Hinanap nila ang kalooban ng Panginoon at tinanggap ang pagkalinga ng Diyos at sa huli, sila ay biniyayaan ng Panginoon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo akong magtiwala sa Inyo ng buong-buo dahil Kayo po ang nakakaalam ng bukas. Sa aking paghingi, kukunin ko po ang bawat biyaya na galing sa Inyo at tatanggapin ito nang maluwag sa aking puso.

APPLICATION

Magtiwala sa Diyos. Hingin, kunin, at tanggapin natin ang karunungan, pagpapala, at tagumpay sa tanging ngalan ni Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =