18

MARCH 2021

Holy Dishwashing

by | Devotionals, Habits

Share with family and friends

Narrated by Byron Sadia

Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

1 Mga Taga-Corinto 10:31

What activities do you consider holy? This list will probably include reading the Bible, praying, singing Christian songs, among others. Pero paano kaya kung sabihin ko sa iyong kahit pati dishwashing ay puwedeng isama sa listahang ito?

Meet Brother Lawrence of the 17th century. Sa kanya, walang pagkakaiba ang pananalangin sa sanctuary sa gitna ng katahimikan sa pagtratrabaho sa kusinang puno ng nagkakalampagang kaldero’t pinggan. Prinactice niya ang presensya ng Diyos saan man siya naroroon. Sinabi pa niya, “We ought not to be weary of doing little things for the love of God, who regards not the greatness of the work, but the love with which it is performed.”

Nakikita ng Diyos hindi lang ang ginagawa natin kundi ang pusong nagpapagalaw sa mga kamay natin. Kung madumi ang puso, hindi ba’t nadudungisan din ang ating gawa? Kung lahat ay ginagawa natin para sa ikararangal ng Diyos, nagiging banal ang mga ito. Aren’t you glad na we have a God who sees what’s big in the little things? Sinabi ni Jesus na ang barya ng mahirap na balo ay may mas higit na halaga kaysa ibinigay ng iba. Bakit? Dahil buong pusong ibinigay ng babae ang lahat ng mayroon siya (Marcos 12:41-44).

Ang pagsamba sa Diyos ay hindi lang ginagawa tuwing Linggo kasama ng maraming tao. Ang worship ay nangyayari rin mula Lunes hanggang Sabado, mag-isa ka man o may kasama. Wherever you are, whatever you do, God is always present to receive praise and glory from you.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Forgiving God, I’m sorry sa pag-iisip na You only need worship from me on certain days. Thank You, God, na present Kayo sa buhay ko every second of each day and not just Sundays.

APPLICATION

The next time you do something na feeling mo ay insignificant, pray. For instance, magbabayad ka ng bill. Instead of complaining na matagal pumila, mahina ang aircon, mabagal ang cashier, do something better with your mind and your mouth.

Praise God for being Jehovah Jireh, the Great Provider. Utter a prayer, too, para sa cashier na magpa-process ng payment mo. Prinaise mo na si God, magiging blessing ka pa sa iba.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 5 =