1
FEBRUARY 2021
Honor Your Parents
Share with family and friends
Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Exodo 20:12
“Sino’ng kausap mo?” tanong ni Madel kay Jenny pagkababa nito ng telepono.
“Ah, si Mama,” sagot ni Jenny sa kaopisina.
Napataas ang kilay ni Madel. “Wow. Parang galit lang?”
Natawa si Jenny. “Ganoon lang talaga kami mag-usap,” sagot niya. “Mas malakas pa nga ang boses niya eh.”
Paano tayo makipag-usap sa ating mga magulang? Magalang ba at mahinahon ang ating tono? Para ba tayong nakikipag-usap lang sa kabarkada? O katulad ba natin si Jenny, na parang laging nakikipag-away?
Maraming examples sa Bible na nagpapakita ng importance ng paggalang sa ating mga magulang. Si Ham, sinumpa siya ni Noah dahil tsinismis niya kina Shem and Japeth na nalasing ang kanilang tatay (Genesis 9:20-25). Si Reuben, hindi niya nakuha ang firstborn’s blessing ni Jacob because he slept with Bilhah, isa sa mga concubine ng kanyang ama (Genesis 35:22; 49:3-4).
Malinaw ang sinasabi ng fifth commandment sa Exodo 20:12: We need to honor our father and mother. Inulit pa ito sa Deuteronomo 5:16, kaya alam natin na talagang mahalagang sundin ito. Ayon kay Apostle Paul, “Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong ‘Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa’” (Mga Taga-Efeso 6:3).
Hindi pare-pareho ang relasyon natin sa ating mga magulang. Maaaring close kayo ng iyong parents at kaya mong sabihin sa kanila lahat ng iyong mga saloobin. Puwede rin naman na malayo ang loob mo sa kanila o may tinatago kang hinanakit. O baka hindi ka nabigyan ng pagkakataon na makilala ang iyong nanay o tatay. Anuman ang estado ng relationship mo with your parents, huwag mo sana kalimutan ang utos ng Panginoon. Kailangan nating i-honor ang ating mga magulang. In return, ibe-bless tayo ni Lord, na Siyang Ama nating lahat.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, ingatan po Ninyo palagi ang aking mga magulang. Tulungan Ninyo akong mahalin sila at igalang sa lahat ng pagkakataon. Amen.
APPLICATION
Find simple ways to honor your parents (e.g., magpaalam sa kanila kung gabi uuwi, gumamit ng “po” at “opo” kapag kinakausap sila). Puwede mo rin silang i-surprise by doing something na alam mong ikatutuwa nila (e.g., ipagluto sila ng dinner this coming weekend).