11
MAY 2024
How to Protect Your Faith
Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala!
Mateo 18:7a
Dahil sa kanyang financial troubles, si Moshe ay pumayag na maging partner ng isang dance instructor sa tango competition. Pero may problema. Si Moshe ay isang Hasidic Jew at sila ay kilala for their ultra-conservative religiosity. Kaya naisip ni Moshe na gumamit ng isang balloon to prevent him and his partner from touching any part of their bodies. And no eye contact!
Maaaring extreme ang method ni Moshe to keep him from sinning, pero narito ang sinabi ni Jesus: “Mas mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kalaliman ng dagat kaysa siya’y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin … Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. Kung ang mata mo naman ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno” (Mateo 18:6, 8–9).
Tama ba si Moshe sa kanyang requests to protect his faith? Making it personal, willing ka ba to lose an arm or a leg or an eye to prevent you from sinning? O may counter-proposal ka, even if you know there’s no guarantee na hindi ka magkakasala? Remember that to live a holy life is your response to a fully surrendered life to Jesus. With God’s word as your guide and your determination to be morally diligent, you can be delivered from sin’s power over you!
LET’S PRAY
Teach me, dear Lord, how to live an excellent life because You live in me.
APPLICATION
Write your plan of action on how you will protect your faith in Jesus.