12

MAY 2024

Senior Discount

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga Javier & Written by Celeste Endriga Javier

Tatayo kayo kapag may kaharap na matanda. Igalang ninyo sila at matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh.  

Levitico 19:32

“Ay, senior — paunahin na sa pila!” Iyan ang sambit ng mga med tech sa clinic nang makita si Norang tinutulak ang kanyang inang naka-wheelchair. Ang sarap naman, aniya, nakangiti pa ang mga taong nagpauna sa kanila. With a senior card, ang daming freebies — free parking, free movies, discount sa groceries at sa restaurants. Napakalaking tulong, di lamang sa seniors, kundi pati na rin sa kanilang mga caregiver.

Sa totoo lang, hindi naman buo sa loob ni Nora na alagaan ang kanyang inang may dementia. Wala sa kanyang plano na gawin ito, wala lang talaga siyang choice. “Mahirap,” she confesses to her friends, “Minsan nakakapikon.” Malaking bagay kay Nora na may mga kaibigang napaghihingahan ng inis at pagod. Exchanging notes sila ng mga kabarkadang nasa similar situations. In numbers, she finds strength. More importantly, in God, she receives courage. “Kailangan talagang humingi sa Diyos ng grasya araw-araw,” ang kanyang laging sinasabi. Nora holds on to the verse in Isaiah 40:29, “Ang mahihina’t mga napapagod ay kanyang pinapalakas.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo kaming magmahal nang tulad Ninyo. Bigyan Ninyo kami ng supernatural patience, grace, and love, lalo na sa pagtingin at pag-aalaga sa mga nakatatandang may sakit. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Here are a few tips for caring for our elderly loved ones lalo na ‘yung mga may dementia.

Una: Pansinin ang tono ng ating boses. Kung maaari ay parating maging malambing. Iwasang mainis at huwag nang i-correct kapag paulit-ulit na ang kanilang mga tanong. Sakyan na lang at ibahin ang usapan. 

Pangalawa: Pangalagaan ang kanilang dignidad. Dati rin silang may mga katungkulan, may mga college degree — o kahit wala, atin silang tratuhin nang may respeto. Dalhin ang mommy sa salon at ipa-mani-pedi. Si tatay naman ay matutuwa with a new haircut. Bihisan sila nang maayos. 

Pangatlo: Use the power of touch. Haplusin. Iyan ang love language ng mga matatanda.

Pang-apat: Take a break. Take care of yourself so you can take care of others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 7 =